in

Nangamoy Prito Ang Kanilang Sinaing at Laking Gulat Nila Ng Malaman Ang Dahilan Kung Paano Nangyari

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Napapansin ba ninyong rice cooker ang madalas na iregalo sa mga ikinakasal? Maliban sa may mabibili nang mumurahin na rice cooker, ay ito rin ang pangunahing appliance na ginagamit nating mga Pilipino.

Kanin ang isa sa pinakaimportantent pagkain natin. Maliban rito ay marami rin putahe ang pwedeng lutuin dito tulad ng mga sabaw. Kaya naman nang mag-amoy pinirito ang rice cooker ng pamilyang ito ay naging isang malaking misteryo.

Source: Google

Isang netizen ang nagbahagi ng misteryo na kanilang naresolba sa kanilang rice cooker. Pagbabahagi neto, bagamat nangangamoy pinirito ang kanilang rice cooker sa tuwing nagsasaing sila, ay hindi naman umano naaapektuhan ang lasa ng kanin. Di na rin nakapagtataka na napaparami ng kain ang mga gumagamit nito.

Kaya naman isang araw ay napagdesisyunan nilang alamin ang misteryo sa kanilang rice cooker. Sinubukan nila hugasan at linisin ang bawat bahagi ng rice cooker subalit naroon pa rin umano ang lasa.

Sumunod, ay nagpasya na silang buksan ang ibabang bahagi ng rice cooker sa pag-aakala na may problema sa wiring ang appliance. May mga pangyayari kasing may sira ang appliance at nagdudulot pa ng sunog.

Nang buksan nila ito ay laking gulat nang makita nila ang nasa looban nito. Sa bawat sulok ng loob ng kanilang rice cooker ay may napritong butiki. Animo’y na prito at natutong na ang mga katawan ng mga ito at dumikit na sa iba’t ibang sulok ng rice cooker. May mga butiki na nangitim na at ang iba’y kulay brown. Matitigas na rin ang mga katawan nito subalik nakapulupot pa rin sa mga wiring ay sulok ng rice cooker.

Source: BigD Reyes

Maaaring naluto ang mga ito sa bawat gamit nila ng rice cooker. Sa kabilang banda ay panibagong misteryo na naman ang kinaharap nila sa kung papaano nakapasok ang mga butiki sa loob nito. Isang naging malaking palaisipan ang pagkapasok ng madaming butiki sa loob bagamat sarado naman ang ibabang bahagi ng rice cooker.

Source: BigD Reyes

Ang post na ito ni BigD Reyes ay umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens. Natuwa at nabahala ang ilan rito ngunit nag-iwan naman ng aral ang kwentong ito na suriin ang mga appliance kapag may kakaibang amoy na lumalabas mula rito. Dahil kung hindi butiki ay maaaring magdulo ito ng sunog o biglaang pumutok. Mabuti na lamang at butiki lamang na sanhi ng kakaibang amoy ng kanilang rice cooker.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lalaki Na Kinukutya Dahil Sa Pangongolekta Nito Ng Gulong Ay Malaki Pala Ang Kinikita

Pangarap Na Makapagtapos Ng Pag-aaral, Nakamit Ng Mga Lolo At Lola Na Ito