in

Viral Ang Amang Pasan-Pasan Ang Kaniyang Anak Habang Nagtatrabaho

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakakabilib ang mga amang nagpupursiging kumita para sa kaniyang pamilya, na tinatawag na isang dakilang ama. Tulad ng isang amang kinabiliban ng mga netizen, ang litrato ng amang iyon ay umani ng mga papuri ng ipinost ni Vinz ang larawan nitong pasan-pasan ang anak nito sa kaniyang likod habang nagtatrabaho.

Pumukaw ng atensyon ng madla ang larawan ng mag-ama at ang ilan ay nag bahagi ng kanilang pagsaludo at pagpuri, ngunit hindi din talaga maiiwasan ang ilan na may hindi magandang komento. Ang ilan ay nagtatanong kung nasaan ang ina ng bata at bakit ang ama ang nagbabantay rito.

Ito naman ang naging saad ni Vinz sa mga nagtatanong kong bakit dala-dala niya ang kaniyang anak sa trabaho, “Nagkataon lamang na may check-up ang bunso naming anak at kinailangang dalhin ng asawa ko yun sa clinic at wala namang magbabantay sa panganay namin kaya dinala ko nalang siya sa trabaho ko”.

At matapos sagutin ni Vinz ang mga agam-agam na iyon ay wala na rin siyang nababasang mga negatibong komento. At mas lalong dumami ang mas humanga pa sa pagiging dakilang ama nito.

Marami ang nainspire sa ginawa ni Vinz bilang ama. Makikita rin sa larawan ang masayang mukha ng bata habang nasa likod ito ng kaniyang ama na tila tuwang tuwa sa nangyayari.

May ibang netizen pa ang pabirong nagsabi na baka sa sunod raw ay dalawa na silang mag-ama ang nagluluto doon.

Nawa’y maging isang inspirasyon si Vinz sa mga ama, at maging aral sa iba ang nangyari dahil hindi naman dapat na agad mahusgahan ang mga ganoong pangyayari dahil may malalim na dahil ang bawat bagay at desisyon. Tulad ng dahilan kong bakit isinama ni Vinz ang kaniyang panganay na anak sa trabaho.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Ama Ang Namataang Nakikipaglaro Sa Kanyang Anak Sa Isang Hukay Na Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizens

Hinangaan At Kinaantigan Ang Lalaking Putol Ang Paa Na Nagtitinda Ng Sampaguita Habang Bumubuhos Ang Malakas Na Ulan