in , ,

CryCry

Isang Ama Ang Namataang Nakikipaglaro Sa Kanyang Anak Sa Isang Hukay Na Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ligaya na walang kapantay ay madalas na dala-dala ng isang anak sa oras na sila ay isilang. Bagamat ay wala pang kaalam-alam ay agad na itong minamahal ng kanilang mga magulang. Kaya naman karamihan sa mga magulang ay susuungin ang kahit anong pagsubok at titiisin ang hirap para lamang sa kanilang mga anak. Kaya naman sa sandaling mawawala na ito sa ating piling ay tila gumuguho ang mundo ng isang magulang. Walang magulang ang sinuman na nanaisin na mahirapan ang kanilang mga anak.

Gayun nga ang nararamdaman ng isang Ama na tila gumuho ang mundo nang malaman ang kalagayan ng kanyang anak. Tiyak na kukurot sa inyong mga puso ang pinagdaraanan ng isa Ama nang malaman na may matinding karamdaman ang kanyang anak na si Zhang Xin Lei.

Si Zhang Xin Lei ay may edad na dalawa at kalahating taon at na diagnose na may karamdaman sa dugo. Wala na umanong paraan upang maligtas ang bata, kaya naman ay nagluluksa ang ama nito. Ang kanyang karamdaman ay dahil umabot sa abnormal count ng hemoglobin sa kanyang katawan.

Minabuti na ng Ama na paghandaan ang pagpanaw ng kanyang anak. Wala umanong oras na binanggit ang doctor maliban sa anytime ay maaari na itong magkakomplikasyon at mamatay.

Kaya naman ay nagsimula nang maghukay ang ama ni Zhang Xin Lei sa lupa at upang mapanatag ang kalooban ng ama ay niyaya niyang maglaro ang anak sa loob ng hinukay nito. Tila nais nitong bigyan ng masayang ala-ala ang anak sa huling hantungan nito.

Bagamat masakit sa ama ni Zhang Xin Lei ay tinanggap na nito ang sitwasyon at sinugurong masaya ang kanyang anak sa bawat panahon na nalalabi. Tunay na kaawa-awa ng kalagayan ng batang ito at makikita ang pagmamahal ng Ama sa kanyang anak. Nawa ay walang hirap na maranasan si Zhang Xin Lei sa kanyang mga huling sandali.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakataba Ng Puso Ang Kwento ng Magkapatid Na Bumili ng Damit Bilang Birthday Gift Para Sa Kanilang Ina

Viral Ang Amang Pasan-Pasan Ang Kaniyang Anak Habang Nagtatrabaho