in

Hinangaan At Kinaantigan Ang Lalaking Putol Ang Paa Na Nagtitinda Ng Sampaguita Habang Bumubuhos Ang Malakas Na Ulan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dapat na tularan ang mga taong kahit na may kapansanan ay nagsusumikap na maghanapbuhay at hindi umaasa lang sa bigay-bigay, dahil hindi ibig sabihin na kulang ka ay hindi mo na kayang gawin ang mga bagay-bagay para mabuhay.

Ito ang kwento ng isang lalaking walang paa na nagtitiis na magtinda ng sampaguita upang may pagkakitaan lang, at isa sa mga larawan niya ang nagviral at umani mg maraming papuri at magagandang komento, ang ilan naman ay hindi mapigilang maawa dahil makikita sa larawan na sa gitna ng buhos ng ulan ay matiyaga siyang naglalako ng sampaguita habang naka saklay dahil sa putol ang isa nitong paa.

Ang sitwasyon ng lalaking ito ay nagsilbing inspirasyon sa maraming tao, malaki rin ang nagawa ng post na iyon sa sitwasyon ng buhay niya. Umabot sa libo-libong reaksyon at komento sa social media ang larawan niya na yun.

Ang tulad niya ang dapat na inaabutan ng tulong dahil kung ang mga kompleto ang paa at kamay ay hirap makahanap ng trabaho mas lalo pa ang katulad niya.

Kung nakakaramdam ng pagod ang ordinaryong tao, mas ramdam nilang may mga kapansanan ang pagod dahil sa may kulang sa parte ng kanilang katawan na dapat pang alalayan.

Isang ugali na dapat na meron ang bawat tao ay ang pakikikapwa tao dahil may mga tao na higit na mas nangangailangan at may mahirap na pinagdadaanan na dapat na pagtuunan ng pansin ng iba.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Viral Ang Amang Pasan-Pasan Ang Kaniyang Anak Habang Nagtatrabaho

Gabbi Garcia, Proud at Labis na Nagpapasalamat sa Kaniyang Daddy Na Naging Make-up Artist Niya Noong Nagsisimula Palang Siya Showbiz