in

LoveLove

Gabbi Garcia, Proud at Labis na Nagpapasalamat sa Kaniyang Daddy Na Naging Make-up Artist Niya Noong Nagsisimula Palang Siya Showbiz

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres na si Gabbi Garcia ang kaniyang mga childhood pictures na kaniyang nakita nang nag-aayos siya ng kaniyang mga kagamitan sa bahay. Kaya sa sobrang tuwa niya ay kaniya itong ibinahagi sa kaniyang Instagram account. Makikita sa mga larawan ni Gabbi na talaga ngang napaka-cute at chubby na siya noong maliit pa. Ayon kay Gabbi, mahilig daw talaga siyang kumain kaya naman ganito na lamang siya kalusog noon.

Source: Gabbi Garcia IG

Samantala, marami naman ang nakapansin na very competitive si Gabbi bilang isang bata at kitang-kita ito sa iba’t ibang costumes na suot niya. Aminado ang aktres na talagang bidang-bida siya noon at gusto niyang subukan lahat ng mga school activities. Consistent honor student din si Gabbi at siya mismo ang nagbibigay ng challenge sa sarili para mas lalo pang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

Source: Gabbi Garcia IG

Sa isang picture naman ng kaniyang modeling days ay sinabi ng mga netizens na para siyang tipikal na bata na pinipilit ng mga magulang na mag-pose sa harap ng kamera. Ngunit, hindi ganito ang nangyari at ayon sa aktres siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang pose at hindi siya pinipilit ng kaniyang mga magulang.

Source: Gabbi Garcia IG

“My mom and dad never forced me, it was just me naturally posing and me wanting to be a model,” saad ni Gabbi.

Sobra nga siyang nagpapasalamat dahil napaka-supportive ng kaniyang mga magulang sa gusto niyang gawin tulad nalang ng pag-audition sa napakaraming modeling agencies kahit na wala pa siyang natatanggap na talent fee.

Source: Gabbi Garcia IG

Ibinahagi rin ni Gabbi na mayroong pagkakataon na ang kaniyang daddy ang mismo nag-make up sa kaniya dahil nagtatrabaho ang kaniyang mommy bilang isang flight attendant. Tuwang-tuwa nga ang aktres dahil ang kaniyang daddy ang nag-iisang lalaki sa backstage na gumagawa ng kaniyang make up at hindi niya ito kinakahiya.

“He would do my makeup, as in, nilalagyan niya ako ng nose line,” sabi pa niya.

Source: Gabbi Garcia IG

Naalala pa noon ni Gabbi na kahit ang mahal ng mga pambatang accessories noon ay kumpleto siya nito dahil sa kaniyang daddy na mahilig sa mga crafts. Bumibili pa ito ng mga beads at siya mismo ang gumagawa ng mga kwintas at bracelet para sa kaniya.

Source: Gabbi Garcia IG

Kaya naman labis ang kaniyang kasiyahan dahil napaka-supportive ng kaniyang daddy hanggang ngayon sa kaniyang nakamit na kasikatan sa mundo ng showbiz.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Hinangaan At Kinaantigan Ang Lalaking Putol Ang Paa Na Nagtitinda Ng Sampaguita Habang Bumubuhos Ang Malakas Na Ulan

Aktres Na Si Jennylyn Mercado, Ipinasilip Ang Kaniyang Napakaganda Na Modernong Disenyo Na 2-Storey House