in

Viral Ang Nilupak Na Saging Cake Na Ginawa Ng Isang Ina Para sa Birthday ng Kanyang Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang kaarawan ng isang anak ay isa rin sa mga milestone ng magulang. Sa mga nakaraang taon ay nagawa nitong maalgaan ng mabuti ang anak. Sa mga okasyon na ganito ay nakasanayan na natin na maghanda ng pagkain na masasarap para sa celebrasyon. Ang cake ang isa sa mga hindi nawawala na parte ng handaan at mas maganda pa kung may birthday candle ito. Subalit ang bawat handaan ay naaayon sa kakayanan ng magulang.

Isang ina mula Southern Leyte ang nakaranas ng kagipitan sa panahon ng kaarawan ng kanyang anak. Kaya naman sa halip na ordinaryong cake na may icing at sugar flowers ay gumawa ito ng nilupak na saging-cake. Nakahulma bilang cake ang nulipak na saging at mayroon rin dedication para sa anak nitong si Lixter na nagdiriwang ng ika-11 na kaarawan.

Source: Lea Orito Cruza

Pagbabahagi ni Nanay Lea sa facebook ay ito lamang ang nakaya nitong ibigay para sa kaarawan ng kanyang anak, subalit pinaghirapan nito itong gawin. Basahin ang buong post rito:

“Happy birthday dong, hinaot unta nga tagaan paka ug kabaskog sa lawas ug kaon na ug tuda aron manambok na heheheh hinaot unta mahurot na akong hinimo na nilosak cake nemu hahaha gikapoy raba jud ko ug lusak ana dong hahaha. I love you.”

Source: Lea Orito Cruza

Mula sa tatlong ingredients ay makakabuo na ng masarap na nilupak na saging o sa ibang lugar ay nilusak o niluyang na saging. Dahil hitik ang ating bansa sa saging ay mura lamang ito sa merkado. Sa ibang lugar ay nakukuha lamang ito ng libre mula sa mismong puno nito. Isa ito sa masarap na miryenda tuwing hapon.

Source: Lea Orito Cruza

Agad naman nagviral ang nilupak cake ni Nanay Lea at nakikita ang effort ng ina para sa kanyang anak. Ito na marahil ang cake na hinding-hindi mabibili ng kung ano pa man dahil buong puso ito ginawa para sa anak. Umani pa ng masayang pagbati para kay Lixter ang post ni Nanay Lea.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kaye Abad, Masayang Inanunsyo ang Kanyang Pagbubuntis sa Second Child Nila ng Asawang si Paul Jake

“TEAMWORK MAKES THE DREAMWORK” Para Sa Magkakapatid Na Tinupad Ang Pangarap Nilang Magandang Bahay Para Sa Kanilang Mga Magulang