in

“TEAMWORK MAKES THE DREAMWORK” Para Sa Magkakapatid Na Tinupad Ang Pangarap Nilang Magandang Bahay Para Sa Kanilang Mga Magulang

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang isang pangarap ay nagsisimula sa maliit hanggang sa ito ay lumalaki. Hindi lahat ng tao ay pareho ang estado sa buhay. May mga taong masaya na sa kanilang buhay kahit na salat sa yaman. Kaya maswerte ang mga bata ngayon na ipinanganak ng may gintong kutsara at tinidor. Tunghayan natin ang isang kwentong tagumpay ng limang magkakapatid na naging successful sa buhay dahil sa kanilang munting pangarap.

Ito ay ibinahagi ni Krisem Joyce Cruz Sambat sa kaniyang facebook account. Ayon kay Krisem, bata pa lamang daw sila kubo raw ang isa sa una nilang naging tahanan. Lima silang magkakapatid, kasama ang kaniyang ina at ama na natutulog sa iisang higaan lang, kung saan ito na rin ang kanilang ang kusina, sala at lahat lahat na. Kahit sila ay nakatira sa maliit na kubo at mahirap ang buhay, ang pamilya naman nila ay nanatiling simple, kumpleto, at masaya.

Source: Krisem Joyce Cruz Sambat

Pagkatapos ng ilang taon sa palaisdaan, lumipat sila sa barangay. Hanggang sa nagkaroon sila ng maayos na tahanan na kanilang naging tirahan sa matagal na panahon. Dito sa tahanan na ito, nabuo ang mga araw nilang masasaya, mga araw na hindi nila ipagpapalit sa kahit ano mang halaga. Dito rin nila naranasan ang hirap sa tuwing umuulan at may bagyo. Naranasan nila ang pagbaha at paglubog ng halos lahat ng kanilang mga gamit. Palagi ding may tulo mula sa bubong at mga palanggana na ginagamit pangsalo. Pinapasok din sila ng mga peste at palaka sa tuwing may baha.

Kaya labis silang nagpapasalamat sa kanilang mga kapitbahay na kanilang nalilipatan sa tuwing malakas ang bagyo. Pero ganoon pa man, patuloy pa rin ang laban ng kanilang buhay kahit bagoong na lang ang kanilang inuulam, kahit na naranasan nilang umutang sa tindahan, kahit pabalik-balik sa hospital ang kanilang ama ay hindi sila sumuko. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga ito, ang mahalaga ay masaya at magkakasama kami. Kaya naman ganoon na lamang kaproud si Krisem sa kaniyang mga magulang dahil hindi sila pinabayaan at ni minsan hindi sumagi sa isipan ng kaniyang mga magulang na patigilin sila pag-aaral.

Source: Krisem Joyce Cruz Sambat

Dahil nga hikahos sila sa buhay kaya dumiskarte ang kaniyang ama na makahanap ng scholarship para makapag-aral sila ng kolehiyo. Andyan din yong humihingi ng tulong ang kaniyang mga ama sa mga kamag-anak nila sa tuwing wala silang pamasahe at baon pagpasok ng eskwelahan. Sabi pa ni Krisem handa raw magmakaawa ang kaniyang ama para lang makapag-aral sila. Nagtulong-tulong silang mag-pamilya upang makaahon sila sa kahirapan dahil naniniwala siyang ang edukasyon ang susi sa kahirapan.

Ika pa niya sa kaniyang sarili noon, “ito yung huling taon na ganito ang magiging itsura ng bahay namin”. Taong 2019 bagong taon, nagsimula ang kanilang goal magkakapatid na bigyan ng magandang bahay ang kanilang mga magulang. Dahil ayaw niyang tumanda at magretire ang kaniyang mga magulang na barung-barong pa rin ang kanilang bahay. Pero hindi naging madali ang pagtupad nila sa kanilang pangarap ngunit naniwala lang si Krisem na makakaya nila iyon.

Source: Krisem Joyce Cruz Sambat

Upang mabilis na makaipon si Krisem pinagsabay niya ang kaniyang dalawang trabaho. Natuto siyang magtipid at umiwas siya sa mga bagay na magastos. Nagtinda rin siya online para makadagdag sa pantustos sa gastusin. Kasama ang suporta ng kaniyang mga kapatid, sa mama at papa ko na abala sa pagpapagawa, pinatunayan nilang, “TEAMWORK MAKES THE DREAMWORK”.

Naudlot man ito dahil sa pandemya at mga problema, nagpapatuloy pa rin. Labis ang naging kasiyahan ni Krisem dahil yung pangarap niya na magreretire ng maayos sa pagtatrabaho ng kaniyang mga magulang at ang magkaroon magandang bahay ay natupad na.

Source: Krisem Joyce Cruz Sambat

Higit na nagpapasalamat si Krisem sa kaniyang mga magulang na walang sawang nagsuporta sa kanila pati na rin sa Panginoong Diyos na hindi sila iniwan at lagi silang ginagabayan.

Source: Krisem Joyce Cruz Sambat

Para kay Krisem, huwag lang tumigil na mangarap at maghanap ng inspirasyon para mangarap mas magiging makabuluhan ang lahat. Dagdag pa niya, “Keep grinding, keep going, keep dreaming”. Tunay ngang inspirasyon ang kwentong ito para sa pamilyang Pilipino na walang ibang kinakapitan kundi ang isa’t isa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Viral Ang Nilupak Na Saging Cake Na Ginawa Ng Isang Ina Para sa Birthday ng Kanyang Anak

Nakakataba Ng Puso Ang Kwento ng Magkapatid Na Bumili ng Damit Bilang Birthday Gift Para Sa Kanilang Ina