in

Nakakataba Ng Puso Ang Kwento ng Magkapatid Na Bumili ng Damit Bilang Birthday Gift Para Sa Kanilang Ina

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming mga ina ang patuloy na nagsasakripisyo at nagtitiyaga upang mabigyan ang kanilang mga anak ng masagana at maginhawang pamumuhay. Nakapokus sa trabaho at minsa’y idinadaan na lamang sa tulog ang pagod. Kaya naman ang pagkakaroon ng anak na maalalahanin ay isang malaking biyaya na at nakapagpapawala ng pagod sa mga magulang.

Isang facebook user na nagngangalang Sarah Alexandra Daculap ang nagbahagi ng photo ng dalawang batang may hawak na floral dress. Pagkukuwento ni Sarah ay nag-aabang ito ng customer nang dumating ang dalawang bata na agad na namili ng damit pagpasok sa kanilang tindahan. Dahil gusto nitong makatulong sa dalawa ay tinanong nito kung para kanino ang damit na bibilhin nila.

Source: Sarah Alexandra Daculap

Agad namang sinabi ng mga ito na pangregalo nila ang damit sa nanay nila na may kaarawan. Tunay na napakasweet ng dalawang bata at matiyagang namimili ng damit sa mga nakadisplay na dress. Umani naman ng maraming reaksyon ang post ni Sarah sa social media. Ang ilan rito ay nagkomento tungkol sa sweet gesture ng magkapatid.

“Naiyak nman ako.. Ang sweet nman ng mga batang yan”
“Nai-imagine ku agad reaction ng mama nila”
“This story made my Day!”
“Sana tularan sila ng ibang mga bata sa pagmamahal nila sa kanilang mama”

Source: Sarah Alexandra Daculap

Sadyang nakakaantig ng puso ang dalawang bata. Karamihan sa kabataan ngayon ay busy sa kanilang pangaraw-araw na Gawain at nakakalimutan na tumatanda na ang kanilang mga magulang. Minsan ay hindi na rin nila nabibigyang pansin ang mga ito dahil sa mga pinagkakaabalahan sa buhay.

Masakit man isipin ay ganito na talaga ang henerasyon ng kabataan ngayon, kaya naman ang mga kwentong tulad nito ay sadyang nakakatouch. Nawa’y maging aral ang kwento ng dalawang batang ito at inspirasyon sa mga anak na pahalagahan ang kanilang mga magulang.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“TEAMWORK MAKES THE DREAMWORK” Para Sa Magkakapatid Na Tinupad Ang Pangarap Nilang Magandang Bahay Para Sa Kanilang Mga Magulang

Isang Ama Ang Namataang Nakikipaglaro Sa Kanyang Anak Sa Isang Hukay Na Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizens