in , ,

Naaalala Niyo Pa Ba Si Jinky Oda, Isa Na Pala Siyang Security Guard Sa San Francisco, California

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naalala niyo pa ba si Jinky Oda? Si Jinky Oda ay isa sa kilalang komedyante noon na madalas mapanood sa mga comedy show, sitcom at pelikula sa telebisyon. Isa sa kaniyang pelikula na tumatak sa manonood ay ang kaniyang karakter na ginampanan niya noon bilang si Bale sa fantasy-sitcom na “Okay Ka, Fairy Ko!” na pinagbidahan ni Bossing Vic Sotto.

Source: Jinky Oda IG

Hindi kalaunan ay iniwan din ni Jinky ang showbiz, at ngayon nga ay masayang ibinalita ni Jinky na apat na taon na siyang naninirahan sa Amerika at isa na rin siyang ganap na security personnel doon.

Source: Google

Nakasama ang dating aktres sa latest vlog nina Rufa Mae Quinto at LJ Moreno na “The Wander Mamas” kung saan inikot nga nila ang ilang magagandang lugar sa California.

Source: Ruffa Mae Quinto YouTube

Dito ikinuwento nga ni Jinky kung paano siya napadpad bigla sa Amerika. Aniya, sumagi sa isip niya ang ideya na manirahan sa Amerika nang tanungin daw siya ng kaniyang anak kung nai-imagine niya ang sarili na nagtatrabaho sa ibang bansa. Aminado naman si Jinky na noong unang taon niya roon ay hindi pa talaga niya naiisip na tuluyang iwan ang Pilipinas ngunit makalipas ang apat na taon ay kumbinsido na siyang sa Amerika na talaga manirahan.

Source: GMA

Kwento ni Jinky, “First year ko dito the whole year culture shock siya. Kasi walang tao. Nasa’n ang tao? Kapitbahay mo nga, di mo kilala. Walang tao, walang kausap.”

Unang naging trabaho ni Jinky sa Amerika ay ang pagiging isang caregiver dahil na rin sa tulong ng kaniyang kapatid na isang nurse.

Source: Jinky Oda IG

Aniya pa, “Dahil wala pa nga akong papers at that time, parang ano lang ako, on-call caregiver. Pag walang caregiver na pumapasok, ako yung parang nagfi-fill in. OK naman. Kesa naman sa nganga.” Hanggang sa may makilala siyang isang security guard doon na siyang nagpasok sa kaniya sa bagong trabaho.

Source: Jinky Oda IG

Sabi niya, “Meron akong nakilalang guy na local security guard. Lumapit lang siya sa akin. Siyempre, to be polite, ngumiti lang ako.”

“Biglang lumapit, nagpakilala. To make the long story short, siya nagpasok sa akin sa security field,” dagdag ni Jinky.

Source: Jinky Oda IG

Pero aniya, wala raw siyang bitbit na baril kapag naka-duty. Labis namang namimiss ni Jinky ang Pilipinas, pero kung sakaling bumalik siya sa bansa ang kaniyang mga kaibigan na lang daw niya ang kaniyang babalikan dahil nasa Amerika na rin ang kaniyang pamilya.

Source: Jinky Oda IG

Pagtatapos pa niya, “Maganda yung trabaho ko. Ito na ang magiging buhay ko for the rest of my life.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin At Mamangha Sa Modernong Bahay Bakasyunan ni Katrina Halili Sa Palawan

Janella Salvador, Proud Na Ibinahagi Ang Kaniyang Naging 13 Pounds Postpartum Weight Goal