in

Kaye Abad, Masayang Inanunsyo ang Kanyang Pagbubuntis sa Second Child Nila ng Asawang si Paul Jake

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tila kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ng mag-asawang si Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang kanilang panganay na anak na si Joaquin sa mundo. Ngayon ay masaya na naman nilang inanunsyo sa publiko ang paparating na bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Source: Kaye Abad IG

Sa pagsapit ng bagong taon ay nabalot ng saya at excitement ang munti nilang pamilya para sa pagdadalang tao ni Kaye. Matalik lamang na magkaibigan noon sina Kaye at Paul Jake. Subalit sadyang napalapit ang loob nila sa isa’t isa at nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon. Ikinasal ang dalawa noong 2016 sa Pedro Calungsod Chapel sa Cebu City.

Source: Kaye Abad IG

Pagsapit ng December 22, 2017 ay masayang nabiyayaan ang kanilang pagmamahalan ng healthy baby boy na si Joaquin. Napaka-cute at energetic na bata ni Joaquin na siyang napatibay ng pagsasama ng magasawa. Aminado naman si Kaye na matagal na nilang gustong sundan si Joaquin. Nais nila umano ng baby girl ayon sa panayam kay Kaye noong 2018.

Subalit hindi agad nasagot ang kanilang hiling at sa halip na mawalan ng pag-asa ay mas lalo pa nilang pinaghandaan ang paparating na second baby.

Source: Kaye Abad IG

Ibinahagi naman ni Kaye na hindi naging madali ang pagbubuntis nito noon sa panganak nilang anak. Kinailangan kasi nitong bantayan ang kinakain at hindi basta basta nakakakain ng fast food. Nagkaroon kasi umano ang aktres ng “gestational diabetes” kung saan ay isa itong tipo ng diabetes na lumalabas sa babaeng nagbubuntis dulot ng pagbabago ng hormones nito. Kinailangan kontrolin ang blood sugar upang mapanatili na safe ang pagbubuntis at magtuloy-tuloy ang development ng bata sa tiyan ng ina.

Source: Kaye Abad IG

Nang sa wakas ay nagdadalang tao na si Kaye ay pinabuti na nito ang pangangalaga sa kanyang katawan. Agad naman ibinahagi nito ang magandamg balita sa kanyang Instagram account. Ibinahagi nito ang picture ni Joaquin na may hawak na monogram result. Sinasanay na rin nila ito sa paparating na kapatid at tinatawag na itong “kuya”.

Source: Kaye Abad IG

Sa ngayon ay full time mom si Kaye at masayang inaalagaan ang anak at ang asawang si Paul Jake. Sinisigurado nitong palaging masaya ang pamilya at kumakain ng masustansyang pagkain. Kaya naman ay nilisan ni Kaye ang showbiz upang mabigyan ng buong atensyon at oras ang pamilya.

Source: Kaye Abad IG

Bagamat hindi pa alam ng mag-asawa ang kasarian ng pinagdadalang tao ni Kaye ay inulan naman ng komento ang IG nito na baka sakaling babae ang ipinagbubuntis nito dahil glowing daw si Kaye. Marami rin ang nagpaabot ng magagandang mensahe at komento sa pamilya lalo na’t natupad na din sa wakas ang matagal na nitong hinihiling na anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Janella Salvador, Proud Na Ibinahagi Ang Kaniyang Naging 13 Pounds Postpartum Weight Goal

Viral Ang Nilupak Na Saging Cake Na Ginawa Ng Isang Ina Para sa Birthday ng Kanyang Anak