in

Janella Salvador, Proud Na Ibinahagi Ang Kaniyang Naging 13 Pounds Postpartum Weight Goal

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matapos ang isyu ng pagbubuntis noon ng aktres na si Janella Salvador, ay kaniyang isinilang na ang anak nila ni Markus Patterson na si Baby Jude noong Oktobre 22, 2021 sa United Kingdom. Naging lihim ang pagdadalangtao noon ng aktres, hanggang sa isang Youtube vlog ni Janella noong Enero 2021 kaniyang sinabi na sa publiko na siya ay mayroon ng anak.

Source: Janella Salvador IG

Ngunit, sa pagiging first mom ni Janella sa edad na 23 ay tila naranasan ng aktres ang postpartum weight loos sa loob ng sampung buwan pagkatapos niyang manganak. Sa kaniyang pagbabalik telebisyon, goal pa rin ng aktres ang kaniyang magandang katawan sa kabila ng kaniyang pagiging isang ina.

Source: Janella Salvador IG

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi niya ang kaniyang sexy na pangangatawan na may caption na, “I was thinking if I should post this or not because i’m not yet where I want to be in terms of my postpartum weight-loss goals and I still have 13 pounds to go. But why not? I’m proud of my progress. Let’s go, momma.”

Source: Janella Salvador IG

Dito ay proud niyang ipinakita ang 13 pounds na kaniyang goal upang bumalik sa dating timbang ang kaniyang katawan. Masaya ang aktres dahil ito naman ay may malapit na niyang maabot. Ibinahagi rin niya ang kaniyang workout routine sa kaniyang Instagram, nagsimula ang weight goal ni Janelle kamakailan lang bago magsimula ang buwan ng Hunyo. Ipinakita ng aktres ang kaniyang mga cardio workouts sa kanilang home gym.

Sa isang post ng aktres na may captiona na, “I always have to remind myself to be proud of the progress I make everyday, no matter how little”, masaya siya sa progress ng kaniyang weight goal kahit paunti-unti ito.

Source: Janella Salvador IG

Dagdag pa niya, “I am proud of myself for getting up with a happy heart everyday despite the lack of sleep, making time to strengthen my body and making healthier food choices while taking care of a clingy baby”. Kahit na lagi siyang kulang sa tulog at busy sa pag-aalaga ng kaniyang anak ay nagagawa niya pa rin ang mag work-out at siyempre hindi mawawala sa kaniyang listahan ang kumain ng mga healthy foods para sa kaniyang diet.

Sa isa pang larawan na ibinahagi ni Janella, “My body may have changed, but I have never felt stronger inside and out. | Loving my compact treadmill from @ucmlifestyle.” Kaya naman masayang nagbigay ng komento ang kaniyang boyfriend na si Markus kung saan full support ito sa kaniya. Saad ni Markus, “that’s my GIRL. Proud of you forever.”

Source: Janella Salvador IG

Pati na rin ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz ay nagbigay rin ng kanilang magagandang komento kagaya nila,

Anne Curtis, who is also a first-time mom, told Janella, “You look amazing.”
Jane Oineza wrote, “Yaaaaaas! Progress is progress!”

Source: Janella Salvador IG

Liza Soberano, Maja Salvador, at Melai Cantiveros ay hindi rin nagpahuli sa pagbigay ng kanilang mensahe sa goal ni Janella.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naaalala Niyo Pa Ba Si Jinky Oda, Isa Na Pala Siyang Security Guard Sa San Francisco, California

Kaye Abad, Masayang Inanunsyo ang Kanyang Pagbubuntis sa Second Child Nila ng Asawang si Paul Jake