in

Silipin At Mamangha Sa Modernong Bahay Bakasyunan ni Katrina Halili Sa Palawan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sadyang kinakailagan ng swerte at talento upang umasenso sa mundo ng showbiz. Sa katunayan ay hindi naman nauubusan ng magaganda at seksing actor and industriya. Kaya naman ay may sari-sariling pakulo ang mga ito upang mapansin ng mga manonood.

Isa sa mga naging matagumpay sa industriya ng showbiz ay si Katrina Halili. Hindi rin biro ang paghihirap at pagsisikap na pinagdaanan nito upang makakuha ng projects. Ilan sa mga pelikula at palabas na tampok si Katrina ay ang Darna, The Stepdaughters, MariMar, Majika, Destiny Rose at Sa Piling ni Nanay.

Source: Katrina Halili Instagram

Nagbunga naman ang pagsisikap ni Katrina at nagawa nitong makapagpatayo ng bahay bakasyunan sa Palawan. Lubos naman na kahanga-hanga ito at madalas pang ipagmalaki ng aktres sa social media.

Source: Katrina Halili Instagram

Ang kabuuang lupa na pag-aari ni Katrina ay 13 ektarya kung saan ay pinagpatayuan niya ito ng bahay. Filipino-Modern ang disenyong ginamit sa loob ng bahay.

Source: Katrina Halili Instagram

Mayroong tatlong kwarto ito na may kapwang magagandang tanawin na bubulaga sa gagamit. Earth tones naman ang kulay na ginamit sa bahay upang maging kaaya-aya ito tingnan at nakakarelax sa pakiramdam.

Source: Katrina Halili Instagram

Maliban sa ipinatayong bahay nito ay mayroon din itong taniman ng palay at lupain kung saan ay binabalak nitong mag-aalaga ng hayop tulad ng baboy. Napapaligiran naman ng malalaking puno ang bahay na punong-puno ng bunga sa bawat season na darating.

Source: Katrina Halili Instagram

Mapapansin na maaliwalas ang pagkakadisenyo sa bahay at ang madalas na paggamit ng wood cornice. Ito ay upang ma highlight ang mga importanteng parte ng bahay tulad ng shower area sa bathroom.

Source: Katrina Halili Instagram

Pinili rin ni Katrina na lagyan ng malalaking bintana ang bahay upang magkaroon ng masaganang daloy ng hangin sa loob ng bahay. Ang malamig at sariwang hangin ang isa sa pinakamagandang regalo ng probinsyang lugar na may maraming puno.

Source: Katrina Halili Instagram
Source: Katrina Halili Instagram

Tila isang modernong bahay-kubo kung titingnan sa labas ang bahay ni Katrina ngunit moderno naman ang mga kagamitan at disenyo nito sa loob. Humanga naman ang ilan sa mga fans at netizens sa magandang bahay na naipatayo ni Katrina.

Source: Katrina Halili Instagram

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

80-anyos na Lolo, Araw-araw Naglalako Ng Bagoong Sa Daan Para Sa Ikabubuhay Ng Kanyang Pamilya

Naaalala Niyo Pa Ba Si Jinky Oda, Isa Na Pala Siyang Security Guard Sa San Francisco, California