in

Melai Cantiveros Version 2.0 Ang Bumungad Sa Netizens Na Talagang Agaw Pansin Sa Social Media

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Minahal ng buong bayan si Melai Cantiveros sa mga panahong nasa loob ito ng Pinoy Big Brother house. Kitang-kita ang magiliw nitong pag-uugali at mabuting puso. Totoo ito sa sarili at sa kapwa nito at nakapagbibigay ng saya sa paligid nito. Kaya naman matapos ito tanghalin na ‘Big Winner’ ay patuloy pa rin ang pagsuporta ng madla kay Melai.

Source: Melai Cantiveros IG

Simula 2009 sa pagpasok nito sa bahay ni ‘Kuya’ hanggang sa ngayon ay sadyang hindi nawawala ang pagkakomedyante nito. Tila yata natural na talaga sa personality ni Melai maging komedyante. Ito ang nagbukas ng pinto para sa iba’t ibang opportunities na dumating kay Melai upang makapasok sa industriya ng showbiz.

Source: Melai Cantiveros IG

Ikinasal si Melai sa kapwa PBB housemate nito na si Jayson Francisco. Nabiyayaan naman ang pagsasama nila ng dalawang cute at super kulit na anak.

Sa bawat pelikula at TV show ay nakaabang ang fans nito lalo na sa mga vlog na ipinapalabas nito sa YouTube. Nasungkit rin ni Melai ang panalo noong 2015 sa “Your Face Sounds Familiar”. Nakabilang na rin ito sa iba’t ibang teleserye at pelikula. Kaya naman ay agad na napansin ang blooming na look ni Melai nang magpost ito sa Instagram account nito.

Source: Melai Cantiveros IG

Nagpost si Melai ng photo nito sa isa sa mga kasal na dinaluhan nito. Suot-suot ang white maxi dress na gawa sa lace ay kitang-kita ang maganda pigura ng katawan nito. Matching naman ang bag at shoes nito sa damit. Mukhang modelo ng dove ang dating ni Melai sa blooming na blooming na hitsura nito.

Source: Melai Cantiveros IG

Hindi naman nakalimutan ni Melai na pasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya lalong lalo na ang stylist nito na siyang utak sa ganda ng outfit ni Melai. Maraming netizens ang tila napa-wow sa ganda ng look ni Melai at inulan rin ng positibing komento ang comment section nito mula sa kanyang mga kaibigan sa industriya. Hindi maitatanggi na sadyang maganda si Melai inside and outside.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Estudyanteng Nagtitiis Sa Lumang Cellphone Noon Para Sa Online Class, Niregaluhan Ng Bagong Laptop Ng Mabuting Samaritano

80-anyos na Lolo, Araw-araw Naglalako Ng Bagoong Sa Daan Para Sa Ikabubuhay Ng Kanyang Pamilya