in

80-anyos na Lolo, Araw-araw Naglalako Ng Bagoong Sa Daan Para Sa Ikabubuhay Ng Kanyang Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kulot na ang balat ngunit patuloy pa rin si Lolo Lauro o mas kilala bilang si Tatay Lauro sa pagtitiyagang magbenta ng bagoong sa kalsada. Bagamat may edad na ay nararapat nang iwasan ang pagpapagod ay patuloy pa rin ito sa paghahanapbuhay. May iilan talagang senior citizens na patuloy sa pagbabanat ng buto para lamang masuportahan ang kanilang pamilya sa pang araw-araw na pangangailangan.

Namataan si Tatay Lauro na may dala-dalang pula na timba na ang laman ay ang panindang bagoong. Ayon rito ay 20km araw-araw ang nilalakad nito para lamang kumita ng pera. Sa katunayan, ay P 50.00 lamang ang kinikita ni Tatay Lauro sa isang araw at maglalakad na naman ito pauwi para magpahinga at ituloy kinabukasan ang paglalako ng paninda.

Source: Facebook

Nilalakad lamang nito ang pag-iikot mula Bitukang Manok hanggang sa Real Cacarong upang makahanap ng mga customers na bibili ng kanyang paninda. At dahil na rin sa maliit lamang ang kinikita ni Tatay Lauro ay tinitiis na lamang nito ang paglalakad sa ilalim ng init ng araw kaysa sa sumakay ng jeep sa mga nasabing lugar.

Kuba na si Tatay Lauro at puti na ang mga buhok ngunit hindi ito naging balakid sa kanya upang tumigil sa paghahanapbuhay. Sa panahon ngayong pandemya ay talagang napaka-delikado para sa kaniya ang naglalako pa sa labas ng panindang bagoong.

Source: Facebook

Naipost ang kanyang larawan at kwento sa social media kung saan ay agad naman itong nagviral dahil sa kaawa-awang lagay ni Tatay at nakakainspire na pagpupursige nito. Tunay na walang pinipiling edad ang pagiging responsableng ama ng tahanan ngunit sa edad ni tatay Lauro ay mas makaiinam kung hindi na ito magpapagod pa masyado sa pagbebenta.

Umani naman ng samu’t-saring komento ang kwento ni tatay Lauro. Dapat lamang natin tulungan ang mga kababayan natin na may edad na ngunit naghahanapbuhay pa rin.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Melai Cantiveros Version 2.0 Ang Bumungad Sa Netizens Na Talagang Agaw Pansin Sa Social Media

Silipin At Mamangha Sa Modernong Bahay Bakasyunan ni Katrina Halili Sa Palawan