in

Estudyanteng Nagtitiis Sa Lumang Cellphone Noon Para Sa Online Class, Niregaluhan Ng Bagong Laptop Ng Mabuting Samaritano

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa biglaang pagdating ng pandemya ay wala ni isa ang nakahanda sa pagbabagong magaganap sa pagpasok ng bagong dekada. Mula sa pagbabago ng patakaran sa edukasyon, at lockdowns ay hirap pa rin ang mamamayang Pilipino na umahon sa kinakaharap na pandemya.

Subalit sadyang may mga taong may mabuting puso na tumutulong sa kapwa bagamat sila mismo ay walang-wala rin. Dito ay makikita ang kakayahan ng isang tao na tumulong hindi base sa kanilang estado ng buhay sa mundo.

Source: Melanie Fugueroa

Lumang cellphone ang pinagtatyagaan ni Chrisken Simule para sa kanyang online class. Abot langit naman ang tuwa ng 21-anyos na estudyante matapos ito regaluhan ng laptop mula sa kanyang dating guro. Hindi umano humingi ng tulong si Chrisken at masinop pa rin na gumagawa ng modules at umaattend ng online class sa kabila ng kalumaan ng cellphone.

Source: Melanie Fugueroa

Pagbabahagi naman ni teacher Melanie R. Fugueroa, ay nagkwento umano ang kapatid ni Chrisken sa kaniya ng kalagayan nito sa pag-oonline class. Dala-dala ang lumang cellphone ay pumupunta pa ito umano sa kanilang kapitbahay para lamang makapagonline class. Sa bawat pagkakataon na may pagsusulit ito o gawaing pang-aralan ay pumupunta pa ito sa kapitbahay.

Source: Melanie Fugueroa

Batid ni teacher Melanie ang hirap at pagsisikap ni Chrisken para lamang sa kanyang pag-aaral. Kaya naman ay nagpasya ang guro na maglikom ng pera mula sa kanyang mga kaibigan at mga estudyante upang matulungan si Chrisken. Sa kasamaang palad kase, ay nawalan ng trabaho ang mga magulang nito nang dahil sa pandemya.

Source: Melanie Fugueroa

Umabot naman sa halagang P40,000 ang nalikom na pera ni teacher Melanie at ito umano ang ginamit niya upang makabili ng laptop. Batid ang tuwa at galak habang binubuksan nito ang box na naglalaman ng laptop.

Umani naman ng papuri si teacher Melanie mula sa netizens para sa pagmamalasakit nito sa kanyang estudyante.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lola Na Kasama ni Lyca Gairanod Noon sa Pangangalakal, Binalikan At Inabutan Ng Tulong

Melai Cantiveros Version 2.0 Ang Bumungad Sa Netizens Na Talagang Agaw Pansin Sa Social Media