in

LoveLove AngryAngry CuteCute CryCry OMGOMG

Lola Na Kasama ni Lyca Gairanod Noon sa Pangangalakal, Binalikan At Inabutan Ng Tulong

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lumaki sa hirap at maagang namulat sa mundo ang The Voice Kids Grand Champion na si Lyca Gairanod. Napabilib nito ang mga viewers sa kanyang pang malakasang boses bagamat maliit pa lamang. Ngayon, ay pinabilib muli niya ang mga netizens sa isang napakabuting hangarin para sa lola na nakakasabayan nitong mangalakal noon.

Bagamat may edad na at hindi na makapagbuhat ng mabibigat ay patuloy pa rin ang pangangalakal ni lola Ising. Pagbabahagi ni Lyca ay bilib umano ito noon sa matanda noong nakakasabay nya ito mangalakal. Kaya naman ngayong nabiyayaan si Lyca ay nais nitong magbigay ng tulong kay lola Ising.

Source: Lyca Garanoid

Ibinahagi ni Lyca noon ang kwento nang pangangalakal ang isa sa ikinabubuhay niya. Hindi rin biro ang pagod, init, at dumi na tinitiis nito upang makapagpulot ng dyaryo, bote o plastic na pwede nitong mabenta.

Talagang hindi nito makalimutan ang masalimoot nilang buhay noon, at ang biyaya na dumating sa kanya matapos nitong Manalo sa The Voice Kids. Ito ang nagpabago ng kanilang buhay at naging daan sa mas magandang kinabukasan. 2014 nang manalo ito sa singing contest, at ginamit niya ang kanyang napanalunan upang makapagpundar ng bahay at iba pang ari-arian.

Madalas pa rin nito umanong makita ang matanda na nangangalakal tuwing napaparaan siya, kaya naman ay nagpasya itong bigyan ng tulong ang matanda upang kahit papaano ay mabawasan ang pasan-pasan nito.

Namili si Lyca ng groceries para kay Lola Ising, at sa pagkakataon na nakausap niya ito ay napag-alaman ni Lyca na mahigit tatlompung taon na pala ito nangangalakal. Naiyak naman ang matanda nang makita ang regalo ni Lyca na mga groceries.

Kitang-kita ang tuwa at galak sa mukha ni lola Ising nang malaman na may maipapakain na siya sa kanyang pamilya. Hindi na kailangan ni lola Ising na mangalakal pa. Binilinan naman ito ni Lyca na magpahinga muna nang malaman na may sakit pala si lola Ising nang mga panahon na iyon.

Maraming netizens naman ang natuwa at nagbigay papuri sa ginawang pagtulong ni Lyca kay lola Ising.

Panoorin ang vlog niya dito:

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

8-taong gulang na batang babae ito, pasan-pasan na niya ang pag-aalaga sa kaniyang ina at mga kapatid

Estudyanteng Nagtitiis Sa Lumang Cellphone Noon Para Sa Online Class, Niregaluhan Ng Bagong Laptop Ng Mabuting Samaritano