in

8-taong gulang na batang babae ito, pasan-pasan na niya ang pag-aalaga sa kaniyang ina at mga kapatid

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat bata sa mundo ay nararapat lamang na magkaroon ng magandang kinabukasan. Nararapat lang na sila ay hinahayaan na mag-aral at maglaro upang maging masaya ang kanilang kamusmusan. Ngunit bakit may mga bata pa rin na maagang namumulat sa mabigat na responsibilidad na dapat ang mga magulang ang gumagawa? Tunghayan natin ang kwento ng isang 8-taong na batang babae na sa napakamurang edad ay nagsilbing ng mga magulang sa kaniyang apat na mga nakababatang mga kapatid.

Source: GMA

Siya ang batang si Jenny Barobo na sa murang edad ay kinakaharap na ang responsibilidad sa pag-aalaga ng kaniyang apat maliliit na kapatid. Ang kwento ng batang ito ay ibinahagi ng Youtube vlogger na si Virgelyncares, ayon sa batang si Jenny wala raw siyang mapagpipilian dahil ang kaniyang ina na si Aling Jewel ay nakaratay ngayon sa kama dahil sa malubhang karamdaman at ang kaniyang ama naman ay umaalis upang maghanapbuhay sa laot.

Source: GMA

Dahil nga may mga maliliit pang mga kapatid si Jenny siya na ang nag-aalaga sa mga ito kasabay ng pag-aalaga niya sa kaniyang ina na may karamdaman. Si Jenny na ang nagtitimpla ng gatas ng kaniyang kapatid at siya na rin ang nagpapakain sa mga ito. Sa kaniyang murang edad ay nahaharap na siya sa mabigat na responsibilidad kung saan siya na rin ang nagluluto ng kanilang pagkain at nag-iigib ng tubig para sa kaniyang mga kapatid.

Dahil ayon kay Jenny, bilang siya ang panganay siya na ang nagpapakain at nagpapaligo sa kaniyang mga kapatid. Pati na rin ang sa paglilinis ng kanilang bahay ay siya rin ang gumagawa.

Source: GMA

Kahit sa kaniyang ina siya na rin ang nag-aalaga dahil hindi na nito maalagaan pa ang kaniyang sarili. Dahil na rin sa kakapusan sa buhay nangungutang na lamang si Jenny sa tindahan upang may maitimpla lang na kape para sa kaniyang ina na kumakalam ang sikmura.

Aniya, nahihirapan na rin umano siya ngunit wala siyang ibang magawa kundi gawin ang mga responsibilidad na iyon dahil wala naman ng ibang gagawa. Samantala, kahit naman na mabibigat ang kaniyang dinadala ngayon na responsibilidad ay masaya pa rin naman daw siya dahil nakakatulong siya sa kaniyang mga magulang.

Source: GMA

Isa lang din ang mensahe ni Jenny para sa kaniyang ina ito ay ang, “Ang gusto ko lang sabihin ay magpagaling at ingatan ang sarili niya, para kami naman ang alagaan niya.”

Source : GMA

Kaya naman ang vlogger na si Virgelyn ay tinulungan ang batang si Jenny na maipagamot ang kaniyang ina. Napag-alaman kasi na kulang sa nutrisyon at kinakailangan talagang magpahinga at magpagaling ng in ani Jenny. Labis naman ang naging pasasalamat ni Aling Jewel sa Virgelyncares na tumulong sa kanilang pamilya sa kaniyang anak na si Jenny. Napaiyak na lamang si Aling Jewel dahil ramdam na ramdam niya ang hirap na pinagdadaanan ng kaniyang anak, ngunit kinakaya nito ang responsibilidad sa murang edad.

Source: Virgelyncares

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Matandang Babae na Matiyagang Nagtitinda sa Tabi ng Kalsada, Tinulungan Ng Netizens

Lola Na Kasama ni Lyca Gairanod Noon sa Pangangalakal, Binalikan At Inabutan Ng Tulong