in

LoveLove

Isang Lalaking Nagbebenta Lamang Ng Lumpia Ay Kumikita Ng Higit 100,000 Pesos Sa Isang Buwan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay ngang may mararating ang kasipagan ng tao. Ang determinasyon at ang pagiging madiskarte sa buhay ang nagdadala sa tao upang umasenso. Kahit anong paraan ng paghahanapbuhay ay ginagawa ng tao upang may kikitain na pera sa bawat araw.

Katulad na lamang ng isang lumpia vendor na viral ngayon sa social media na kumikita ng malaki sa bawat linggo. Ang kaniyang kwento ay ibinahagi ng isang netizen na siyang nakatuklas ng kwento ng buhay nito. Ang netizen na ito ay si Jomer Arañas, ibinahagi niya ang kwento ng lalaki dahil napabilib siya kasipagan at diskarte nito sa pagbebenta ng lumpia kahit nasa kalsada lamang siya.

Source: Jomer Arañas

Ibinahagi ni Jomer sa kaniyang post kung paano niya nakapanayam ang lalaki. Ayon sa kaniya, habang siya ay naglalakad sa daan nakita niya ang lalaki na nagbebenta ng lumpia. Siya ay napahinto at bumili ng binebenta nitong lumpia, pagkabili niya ng lumpia sa lalaki tsaka siya nagkaroon ng pagkakataon upang mainterview ito.

Ayon sa lalaki, nakaka-ubos siya ng 600 na pirasong lumpia sa isang araw at madalas talaga itong nauubos dahil gustong-gusto ito ng kaniyang mga mamimili. Ayon pa sa kaniya, ang tinitinda niyang lumpia ay nakakahalaga ng Php20 sa bawat tatlong piraso na kung ito ay bibilangin ay umaabot ang mga ito sa Php4,000 sa bawat araw. Kung kaya’t ang 600 na pirasong lumpia ay umaabot sa Php28,000 sa loob lamang ng isang linggo. Ang kinikita ng lalaki ay nakakahalaga ng kabuuang kita na umaabot sa Php112,000 sa loob lamang ng isang buwan.

Source: Jomer Arañas

Ibinahagi ni Jomer sa kaniyang facebook ang naging kaniyang pagkalkula sa kinikita ng lalaki sa pagtitinda lamang ng lumpia. Kaya maraming mga netizen ang nagulat sa kinikita ng lalaki na dinaig pa ang sahod ng isang empleyado. Sa kabilang banda hindi naman ganoon kalaki ang gastos ng lalaki sa paggawa ng lumpia at solo naman niya ang kaniyang kinikita. Kaya’t umani ito ng samu’t saring komento kagaya na lamang ng mga ito.

“Oo malaki nga kita pero siyempre meron pa diyan gastos sa Gas, Mantika, Gulay, wrapper pero ayos din yan atleast kumikita diba mga sir”

“The labor is hard. I hate making it and cooking it. I`d rather buy”.

“Kahit ano pa ang sabihin ng iba kesyo marami pang kelangan bilihin bago makapagtinda niyan gastos dito gastos don! suma total kumikita si kuya yon ang mahalaga! Godbless kuya!”

Source: Jomer Arañas

Ang pagtatagumpay sa isang bagay ay nakasalalay sa tamang diskarte sa buhay. Basta determinado kang makuha ang isa bagay nararapat lang na lagi itong lalakipan ng kasipagan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Usap-usapan Ngayon Ang Napapabalitang Nobyo ni Sue Ramirez Na Isang Anak Ng Bilyonaryo!

“Age doesn’t matter”, Isang Nanay Ang Matagumpay Na Nakapagtapos ng Kolehiyo sa Kabila ng Kaniyang Edad na 58-taong Gulang