in

LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL

Usap-usapan Ngayon Ang Napapabalitang Nobyo ni Sue Ramirez Na Isang Anak Ng Bilyonaryo!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang bali-balitang nobyo ng sikat na aktres na si Sue Ramirez ay ang anak ng politikong at kilalang negosyanteng si Albee Benitez na si Javi Benitez ng taga Negros Occidental. Si Javier Lopez Benitez o mas kilala bilang Javi ay isinilang noong Oktubre 8 taong 1994, sa Quezon City ngunit lumaki at nagbinata sa lungsod ng Maynila.

Source: Javi Benitez IG

Tanyag at kilala rin si Javi sa mundo ng social media dahil sa mayroon siyang 48k followers sa Instagram at 6k naman sa kaniyang Facebook account. Ngunit unang mas nakilala ng publiko si Javi sa isang tv show na studios 23’s sport themed na tinatawag na Sports Kid. Ngunit nahinto ang karera niya sa showbiz dahil mas binigyang atensyon niya ang kaniyang pag-aaral.

Source : Sue Ramirez IG

At nang makapagtapos ito ng pag-aaral, bumalik ulit siya sa showbiz at muli siyang napanood taong 2016 sa isang tv segment na may pamagat na ANC’s Game Changer.

Source: Javi Benitez IG

Kabilang rin siya sa isang teleserye ng Kapamilya Network na The General’s Daughter na pinagbibidahan ng sikat na aktres na si Angel Locsin, na kung saan gumaganap siya bilang isang businessman.

Source: Sue Ramirez IG

Nabigyan rin siya ng sariling break sa pag-arte bilang binatang actor at ito ay ang palabas na pinamagatang “Kid Alpha One”. At hindi lang basta isang magaling na actor si Javi dahil Malaki ang kaniyang ginagampanang posisyon sa kumpanya ng kaniyang ama.

Source: Javi Benitez IG

Ang ama ni Javi na si Albee Benitez ay kilala bilang isang negosyante dahil sa isa siyang chairman ng Leisure & Resorts World Corp, ang nagpapatakbo ng Bingo parlor sa buong bansa. Siya rin ang nag mamay-ari ng Brightlight Production na may multi-million na deal sa kapatid Network.

Source : Sue Ramirez IG

Usap-usapan naman ngayon sa social media ang relasyon ni Javi sa sikat na aktres na si Sue Ramirez. Nakumpirma ang relasyon ng dalawa nang aminin nilang in a relationship na nga sila. Ngunit wala na silang nabangit tungkol sa kanilang pag-iibigan bukod sa kanilang estado.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Inspiring Story ng Isang School Principal sa Umaga, Construction Worker sa Gabi

Isang Lalaking Nagbebenta Lamang Ng Lumpia Ay Kumikita Ng Higit 100,000 Pesos Sa Isang Buwan