in

LoveLove

Sinagot ni Anne Curtis ang Tanong Kung Aalis ba Siya sa ABS-CBN Pagkatapos ng Pagpupulong sa mga Executive ng GMA

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nagkaroon ng virtual meeting via zoom ang TV host-actress na si Anne Curtis kasama ang GMA Films executives para sa susunod na taon na pelikula ni Anne. Ang larawan ng virtual meeting na ito ni Anne ay umani kaagad ng mga haka-hakang pati siya ay ililipat sa kabilang network.

Source: Anne Curtis Smith IG

Dahil na rin sa naging paglipat ni Bea Alonzo sa Kapuso network ang nagbadya sa mga fans ni Anne umalma at mag-alala na baka pati siya ay ililipat din. Kaya naman nito lamang July 1, 2021 sa naging virtual meeting ni Anne kasama ang GMA executive na sina Jose Mari “Joey” Abacan at Annette Gozon-Valdes na siyang pangulo ng GMA Films.

Dito kanilang nagpag-usapan ang plano nilang bagong pelikula ni Anne sa susunod na taon, kung andoon din sa zoom meeting ang mga executive ng VIVA Films at VIVA Artists Agency na humahawak sa mga pelikula ni Anne.

Source : Joey Abacan IG

Dahil sa ibinahagi post ng GMA Executive na si Joey Abacan sa kaniyang Twitter na may caption na, ” Salamat sa Diyos para sa isang napaka-produktibong hapon! Napakasariwa na makita ka ulit @annecurtissmith #goodvibes #gmafilms #gma #viva”

Source: Joey Abacan IG

Ang post na ito ay mabilis na nakuha ng atensiyon mga netizen sa Twitter. Kaya karamihan sa mga fans ay talagang umalma, dahil nasaktan na sila sa paglipat ni Bea sa GMA-7, kaya laking gulat nila na makita si Anne kasama ang mga executive ng karibal na network.

Isang netizen pa ang nag-tag kay Anne at tinanong siya, “please tell us na gma films lang at hindi ka lilipat sa gma”

Source: Anne Curtis IG

Tiniyak naman sa sagot ni Anne sa lahat ng kaniyang mga tagahanga na hindi na siya lilipat, nilinaw niya lang na tungkol lang iyon sa isang pelikulang kaniyang gagawin. At hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawa siya ng pelikula kasama ang GMA Films habang siya ay Kapamilya artist pa rin.

Ito naman ang naging sagot ni Anne, “Hahaha Oo. Kalma. Nag-pitch sila ng isang pelikula para sa susunod na taon na hindi pa sigurado. Tulad ng dati, kailangan ko munang basahin ang script bago magpasya. Ang huling viva x gma film na ginawa ko ay SA IYONG MATA with Ate Claudine & Richard. Kapamilya na ako noon. So Kalma Lang! “

Source: Anne Curtis IG

Tiniyak din niya sa madlang people na babalik siya sa It’s Showtime, ang noontime show ng Kapamilya Channel. Si Anne ay naging isang VIVA Artist mula nang magsimula siya sa kaniyang career noong 1998. Ngunit ang kaniyang unang anim na taon sa telebisyon ay sa GMA-7 dahil sa pakikipagsosyo ng VIVA sa network. Noong 2004, inilipat ng VIVA si Anne sa ABS-CBN at nanatili siyang isang Kapamilya hanggang ngayon.

Kaya agad naman nilinaw ng aktres sa kaniyang mga tagahanga na hindi siya lilipat ng GMA-7 at tiniyak din ni Anne na artist pa rin siya ng ABS-CBN.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Matapat na Tricycle Driver ang Nagsauli ng Php98,000.00 na Nahulog Ng Isang Pasahero

Inspiring Story ng Isang School Principal sa Umaga, Construction Worker sa Gabi