in

CuteCute LoveLove

Inspiring Story ng Isang School Principal sa Umaga, Construction Worker sa Gabi

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hinangaan ng marami si Elmer Lumbo isang 59 years old na nagtatrabaho bilang isang Principal sa Habana Integrated School, Buruangan, Aklan at tuwing gabi naman ay nagtatrabaho siya bilang isang construction worker.

Source: Elmer Lumbo

Ang larawan ni Elmer ay biglang nagviral nang ipost ito ng kaniyang anak na si Jose Elvis Michelet Lumbo, proud na proud ang anak ni Sir Elmer sa kaniya dahil hindi pa raw ito nakakakita sa Pilipinas ng principal na nagagawa pang magtrabaho bilang isang mason.

Source: Jose Elvis Lumbo

Ang mga larawang na ipinost ng kaniyang anak na si Jose ay palihim lamang na kuha habang nagtatrabaho si Sir Elmer. Ang dahilan kung bakit nagawa ng Principal na ito na magtrabaho bilang isang mason sa kadahilanang nais niyang matapos kaagad ang proyektong iyon upang maiulat na ito sa school division. Nagpursigeng tumulong si Elmer sa proyektong ito upang makahabol sa nasabing deadline dahil sa maraming dapat pang gawin para matapos iyon.

Umani ng maraming magagandang papuri ang post ng anak ni Sir Elmer at marami rin ang nainspire sa ginawa nito. Ang ilang komento ay nagpatunay kung gaano kabuti at matulunging principal si Elmer Lumbo.

Source: Jose Elvis Lumbo

Tulad ng komento na ito, “Thanks for this photo that you shared kuya. Ilang taon din na di naming nakita at wala na kaming balita kay sir Lumbo since umalis siya sa school naming naging principal din siya naming (Lupo Elementary School) for now happy ako kasi hanggang ngayon nagagawa niya kung ano ginagawa niya sa amin noon.

Source: Elmer Lumbo

Hindi lang siya principal kundi para amin (grade 6 pupils before) isa siyang hero. Doktor siya sa amin pag may estudyanteng nasusugatan. Nag-aayos ng kwarto pag may nasisira sa room namin. Sana ipaabot mo naman sa kanya yung message ko regards kay sir Lumbo. Salamat po. Godbless po.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sinagot ni Anne Curtis ang Tanong Kung Aalis ba Siya sa ABS-CBN Pagkatapos ng Pagpupulong sa mga Executive ng GMA

Usap-usapan Ngayon Ang Napapabalitang Nobyo ni Sue Ramirez Na Isang Anak Ng Bilyonaryo!