in

OMGOMG LOLLOL

Nagviral sa Socmed Ang Nakakatuwang Eksena ng isang Groom na Nakalimot Sa Kaniya Mismong Kasal

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa hindi malilimutang araw ng ating buhay ay ang araw na tayo ikinakasal sa taong ating pinakamamahal. Andito ang mga magagandang preparasyon kung paano ang magiging daloy ng seremonya. Ngunit, hindi pa din talaga maiiwasan ang mga nakakatuwa at kakaibang pangyayari sa mga kasalan.

Source: Aldrin Mat Acero Salazar

Tulad na lang ng kasal na ito na naging viral, kung paano nakalimot ang groom sa araw mismo ng kaniyang kasal. Ang nakakatuwang pangyayaring ito ay nakuhaan ng video na ibinahagi ito ni Aldrin Mat Acero Salazar at ni-repost ng Facebook page na Event Philippines.

Source: Aldrin Mat Acero Salazar

Makikita na ang bagong kasal ay naghahanda para sa kanilang wedding entourage upang sila ay magpa-litrato pagkatapos ng kanilang wedding seremony. Sinabihan sila ng kanilang wedding photographer na gumawa ng isang wacky pose, ngunit ang groom ay aksidenteng nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid imbis na sa kaniyang bride.

Source: Aldrin Mat Acero Salazar

Kaya naman ng aaktuhan na itong kukuhaan ng larawan, sinabi sa kanila ng photographer na kailangan nilang lumapit sa isa’t isa at pagdikitin ang kanilang pisngi. Ngunit, ito ay natigilan ng mapansin ng photographer na nagkaroon ng pagkalito ang groom kung saan aksidente niyang nasandal ang kaniyang ulo sa isang katabi niyang bridesmaid. Ang pangyayari ay nagdala ng katuwaan sa mga taong nakakita at kahit ang bride ay napagtanto na nakalimutan ng kaniyang groom ng sila ay mag wacky pose.

Source: Aldrin Mat Acero Salazar

Ang pangyayaring ito ay isa sa mga hindi malilimutan ng bagong kasal at kanilang babalikan sa kanilang pagtanda. Maaari din nilang maikwento ito sa kanilang magiging anak ang ganitong nakakatuwang pangyayari.

Ang viral video na ito ay naghatid ng saya at tuwa sa ating mga netizens. Sa katunayan, ito ay naging usap-usapan sa social media at marami ding mga Facebook pages ang nag-repost ng nasabing viral video clip na ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Masayang Ibinahagi Ng Isang Pump Attendant sa Isang Gasoline Station, Ang Kanyang Pagtatapos Sa Kolehiyo

Matapat na Tricycle Driver ang Nagsauli ng Php98,000.00 na Nahulog Ng Isang Pasahero