in

Matapat na Tricycle Driver ang Nagsauli ng Php98,000.00 na Nahulog Ng Isang Pasahero

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pinakamasarap sa pakiramdam ang pagiging matapat. Sa hirap ng buhay ngayon, may mga tao pa rin naman ang gumagawa ng mga mabubuting bagay. Sila ang mga taong dapat na tinutularan, kagaya ng isang tricycle driver na nakasauli ng Php98,000 na nahulog ng isang pasahero.

Source: Volta Delos Santos

Lahat ng tao ay nakakaranas ng paghihirap ngayon dahil sa kinakaharap nating krisis bugso ng pandemiya. Ngunit sa kabila ng ganitong paghihirap marami pa ring mga tao ang nanatiling matapat sa kanilang kapuwa. Kagaya ng tricycle driver na ito na hindi lang sikat sa kaniyang mga kasamahang tricycle driver kundi pati na rin sa mga netizen matapos niyang isauli ang pitaka ng kaniyang pasahero na naglalaman ng Php98,000. Dahil naging sa kabaitan ng tricycle driver ay maraming netizen ang napabilib sa kaniyang naging katapatan.

Source: Volta Delos Santos

Ang kwento ng pagiging matapat na ito ni Volta delos Santos sa kaniyang facebook page, ang video post na ito ay mabilis namang kumalat sa social media. Ayon sa post ni Volta, nahulog umano ng isang pasahero ang kaniyang pitaka sa SM Toda at sakto naman ang nakapaulot na driver ay isang mabait at matapat na tao at agad naman niyang isinauli ang perang kaniyang napulot.

Kaya kahanga-hanga ang ipinakita ng tricycle driver, dahil rito ay nagsilbi siyang inspirasyon hindi lang sa kaniyang kapuwa driver kundi pati na rin sa ibang tao na ugaliing laging maging tapat. Pinalakpakan rin ang tricycle driver ng mga nakasaksi roon at ng magkaharap na sila ng may-ari ng napulot niyang pitaka labis ang naging pasasalamat nito sa kaniya.

Source: Volta Delos Santos

Nakakamangha ang kaniyang naging katapatan dahil hindi siya nasilaw sa salapi. Mas nanaig pa rin sa kaniya ang paggawa ng kabutihan sa kaniyang kapuwa. Kahit na may maitutulong ito sa kaniyang pamilya hindi niya pa rin ito inangkin dahil hindi naman raw sa kaniya ang pera.

Dahil dito maraming netizens ang humanga at umani ito ng mga positibong komento sa kaniyang ipinakitang katapatan. Sapagkat, nangingibaw sa tricycle driver ang kabutihan sa kaniyang puso.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nagviral sa Socmed Ang Nakakatuwang Eksena ng isang Groom na Nakalimot Sa Kaniya Mismong Kasal

Sinagot ni Anne Curtis ang Tanong Kung Aalis ba Siya sa ABS-CBN Pagkatapos ng Pagpupulong sa mga Executive ng GMA