in

Masayang Ibinahagi Ng Isang Pump Attendant sa Isang Gasoline Station, Ang Kanyang Pagtatapos Sa Kolehiyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi hadlang ang estado sa buhay upang ang isang tao ay maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Walang impossible kung lahat ng bagay ay pagsisikapan upang maisakatuparan ang mga mithiin na matagal ng inaasam-asam. At ang pagtatapos sa pag-aaral ang unang hakbang patungo sa tagumpay. Kahit anumang hamon sa buhay ay paglalabanan upang ang pangarap ay magkaroon ng kulay.

Ito ang pinatunayan ng isang pump attendant sa isang gasoline station na si Eric Rosales 28-taong gulang. Proud na ibinahagi ni Eric ang kaniyang pagtatapos sa kolehiyo sa kabila ng pandemiya at paghahanapbuhay upang matustusan ang kaniyang pamilya at pag-aaral. Kaya labis ang kaniyang tuwa ngayon dahil kabilang siya sa Class of 2021 ng Tagoloan Community College sa Tagoloan, Misamis Oriental. Siya ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Criminology nito lamang June 17, 2021.

Source: Eric Rosales

Ayon kay Eric, nawala umano lahat ng pagod niya ng siya ay napabilang sa mga magtatapos ngayong taon. Labis ang naging kasiyahan ng kaniyang pamilya dahil sa wakas siya ay makakapagtapos na sa kolehiyo sa loob ng apat na taon. Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Eric sa pamamagitan ng tawag sa telepono noong July 7, 2021.

Kwento ni Eric siya ay kasalukuyang naninirahan sa Tagoloan kasama ang kaniyang pamilya. Kasama rin ni Eric ang kaniyang kinakasama na si Genelyn at ang kanilang anak na babae na 1-taong gulang pa lamang. Si Eric ang bunso sa tatlong magkakapatid, ang dalawang nakatatandang kapatid na babae ay mga kapatid niya sa ina. Si Eric ang solong anak ng kaniyang ina nang muli itong mag-asawa, matapos mamatay ang unang asawa nito. Tanging pagsasaka lang ang hanapbuhay ng ama Eric, pero hindi nila pagmamay-ari ang lupang kanilang sinasaka.

Source: Genelyn

Samantalang ang kaniyang ina ay isang maybahay lang. Ang isang kapatid na babae ni Eric ay bumukod na sa kanila habang ang isa naman ay nagtatrabaho at kasama rin nila sa bahay.

Sa pagpapatuloy ng kwento ni Eric tungkol sa estado ng kanilang buhay, hindi sila mayaman, pero nakakakain sila ng tatlong beses sa isang raw. Hindi nakapagtapos sa kolehiyo ang kaniyang dalawang kapatid, bagamat nakapagtapos sila ng high school. Kaya naman nang maka-graduate si Eric sa Kalabugao National High School noong 2010 at namasukan siya agad bilang isang all-around assistant sa isang supermarket sa Bukidnon hanggang 2015, kaya naman hindi siya agad nakapagpatuloy sa kolehiyo.

Source: Eric Rosales

Noong 2016, nagtrabaho na siya bilang isang pump attendant sa Petron sa bayan ng Villanueva, na katabing bayan ng Tagoloan. At taong 2017, sa loob ng 7 taon na matapos mahinto sa pag-aaral ay napagdesisyunan ni Eric na mag-enroll sa Tagoloan Community College. Samantala, para masuportahan ang sarili, hindi siya umalis sa trabaho bilang pump attendant. Aminado si Eric na hindi naging madali ang pagsasabay ng kaniyang trabaho at pag-aaral.

Ang klase kasi ni Eric ay mula 7 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga, pagkatapos nito ay didiretso siya sa trabaho ng 2 ng hapon hanggang 10 ng gabi. Kapag naman panggabing shift naman ang napupunta sa kaniya ay magtatrabaho na siya mula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga. Paglabas niya sa trabaho ay didiretso na siya sa eskwelahan para sa kaniyang 7:00 ng umaga na klase.

Source: Eric Rosales

Malaki raw ang pasasalamat ni Eric sa kaniyang mga katrabaho dahil kapag hindi na niya kayang dumiretso sa trabaho, sinasalo siya ng mga ito. Nag-o-overtime raw ang mga kasama niya kapag hindi siya makakapasok. Labis din daw ang pasasalamat niya sa kanilang manager dahil inuunawa siya nito kapag kailangan niyang lumiban sa trabaho. Pero siyempre nagbibigay ng konsiderasyon ang kaniyang manager dahil may mga pagkakataon daw na pinapayagan siyang mag-cash advance para sa pag-aaral.

Ikinuwento pa ni Eric na nang pasukin niya ang dalawang organizations sa school, mas naging mahirap ang pag-aaral at pagtatrabaho. Bilang seniors, sila raw ang nagti-train sa mga junior students. Pagsapit daw ng kanyang third-year college, nabuntis ni Eric ang kanyang girlfriend na si Genelyn. Kaya dahil dito sila ay nag-live in at ngayo’y magkasama na sa buhay.

Source: Eric Rosales

Nang tumama ang pandemic noong 2020, tinanggal ang night shift sa trabaho. Pagdating naman sa pag-aaral, nag-shift sina Eric sa online classroom. Hindi rin daw ito naging madali para sa kaniya. Naging malaking bagay raw ang suporta ng kaniyang mga kaklase para magkaroon siya ng determinasyon na makapagtapos.

Sa ngayon ay patuloy sa pagtatrabaho si Eric bilang isang pump attendant at siya nag-iipon din ng pera para sa kaniyang licensure examination. Dahil gusto ni Eric ang maging isang pulis kaya inaasikaso niya lahat ng mga kailangan niya upang siya ay makakuha ng exam at sa susunod na taon siya ay kukuha ng licensure exam.

Source: Eric Rosales

Talagang determinado si Eric na mag-review at pumasa para sa pangarap niyang magandang buhay para sa kaniyang pamilya. Isang inspirasyon ang kaniyang pagsusumikap sa buhay lalo na sa mga taong hindi nawawalan ng pag-asa upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mamangha Sa Naggagandahang Larawan Ni Gloria Romero Noong Siya Ay Dalaga Pa

Nagviral sa Socmed Ang Nakakatuwang Eksena ng isang Groom na Nakalimot Sa Kaniya Mismong Kasal