in

Isang Delivery Rider, Proud Na Ibinahagi Ang Nakamit Na Diploma Matapos Makagraduate Sa Tulong Ng Kanyang Trabaho

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa pagsusumikap bawat pangarap ay nakakamit, dahil walang impossible kung ito ay pagsisikapan at sisipagan. Marami sa atin ngayon ang naghahanapbuhay habang ipinagpapatuloy ang pag-aaral. Kahit mahirap isabay sa trabaho tinitiis na lang nila ang pagod maabot lang nila ang kanilang mga pangarap.

Kagaya na lamang ng isang Lalamove rider na masayang ibinahagi ang kaniyang graduation picture habang dala ang bag at jacket ng Lalamove Company kung saan siya nagtatrabaho bilang isang delivery rider. Ang nagbahaging ito ay si Oliver Calope ang mismong Lalamove rider na ito.

Source: Oliver Calope

Ito ay kaniyang proud na ibinahagi sa social media na siya ay ga-graduate na sa kabila ng kaniyang hirap sa pagtatrabaho bilang isang delivery rider. Sa tulong ng kaniyang pagiging isang Lalamove rider ay naabot na niya ang kaniyang pinangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Ayon pa sa kaniyang post, “Salamat LALA dahil Sayo nako MOVE ako para makagraduate. Mahirap [dahil] ulan at init ang kalaban pero lahat kinaya para sa pangarap makapagtapos di tayo susuko mag[kaka]sama naman ulit tayo para makapag Board exam ipon ulit,”

Source: Oliver Calope

Dagdag pa ni Oliver, iganapang niya ang sarili upang makapagtapos siya ng pag-aaral kahit mahirap at nakakapagod ang maging isang delivery rider hindi na ito alintana sa kaniya dahil ang tanging mahalaga sa kaniya ay ang maabot niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay. “Salamat sa mga taong nagbigay ng tip sa kada biyahe at nagbigay inspirasyon sakin para magpatuloy kaya LALAMOVE booking pa more,” saad pa niya.

Kaya labis siyang nagpapasalamat sa kompanyang kaniyang pinagtatrabahuan na malaki ang naitulong upang maitaguyod niya ang kaniyang pag-aaral. Nagpasalamat din si Oliver sa mga taong nagbibigay sa kaniya ng tip na kaniyang iniipon upang may panggastos siya sa araw-araw na itinutulong niya rin sa kaniyang pamilya. Dahil sa kaniyang natamasang tagumpay ngayon maraming netizen ang naantig sa kaniyang kwento. Umani ito ng samu’t saring mga positibong reaksiyon sa social media. Pati rin ang kaniyang kapuwa mga rider ay humanga at napabilib sa kaniyang kasipagan at pagtitiyaga upang siya ay magkaroon ng diploma na kaniyang panghahawakan habangbuhay.

Source: Oliver Calope

Isang inspirasyon ang kaniyang ibinahagi larawan dahil bibihira lang ang mga tanong nagsusumikap na makatapos ng pag-aaral lalo pa’t may pamilyang sinusuportahan. Tunay ngang magandang halimbawa si Oliver, na kahit ano pa mang hirap sa pagtatrabaho at naisasabay pa rin ang pag-aaral basta’t may pangarap na pilit inaabot.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Amang May Kapansanan Sa Kamay, Patuloy Pa Rin Ang Pagiging Isang Fishball Vendor Para Sa Kaniyang Pamilya

Alamin Ang Dahilan Kung Bakit Nagparetoke Ng Halos 9 na Beses Ang Lalaking Ito