in

Isang Amang May Kapansanan Sa Kamay, Patuloy Pa Rin Ang Pagiging Isang Fishball Vendor Para Sa Kaniyang Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang isang magulang ang tumataguyod sa kaniyang mga anak. Higit sa lahat ang itinuturing na haligi ng tahanan, ang isang ama. Ang ama ang nagbibigay ng lahat ng mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. Kahit anong uri ng trabaho ay kaniyang susunguin para lang kumita at masuportahan ang kaniyang mga anak.

Isa na rito ang ipinakitang todong pagkayod ng isang amang fish ball vendor na sa kabila ng pagiging isang handicap ay nagawa niya pa ring maghanapbuhay para sa kaniyang mga anak na umaasa sa kaniya. Siya ang nakilalang si Tatay Noel Perez, tanging ang pagiging isang fish ball vendor lamang ang kaniyang pinagkakakitaan. Kahit na kitang-kita ang kaniyang pisikal na kakulangan patuloy pa rin ito sa paghahanapbuhay upang matustusan lang ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Source: Unanghirit

Nag-viral ang kwento ni Tatay Noel o mas kilala bilang si ‘Mang Weng’ dahil marami ang naantig sa kaniyang pagiging isang ulirang ama. Ibinahagi ng GMA Public Affairs Exclusives ang isang video kung saan makikitang isang kamay lang ang ginagamit ni Tatay Noel sa pagluluto ng fish ball.

Source: Unanghirit

Ayon kay Tatay Noel, kahit na siya ay may kapansanan hindi siya tumitigil sa kaniyang paghahanapbuhay dahil ayaw niyang magkulang bilang isang ama sa kaniyang mga anak. Ayaw ni Tatay Noel na magkaroon siya ng pagkukulang sa kaniyang pamilya dahil lang siya ay may kakulangan sa kaniyang sarili. Hindi ito naging hadlang upang maging isang responsible at masipag na ama.

Source: Unanghirit

Sa videong ibinahagi ng GMA Public Affairs Exclusives, naikwento ni Tatay Noel kung bakit nagkaroon ng depekto ang kaniyang isang kamay. Sa kaniyang pagbabahagi, taong 1983 nang makuryente umano siya sa kaniyang pinagtatrabahuang construction site na siyang naging dahilan upang maputulan ang kaniyang isang kamay. Ngunit sa kabila ng nangyari sa kaniya hindi ito naging dahilan upang sumuko siya sa buhay bagkus ito ang kaniyang naging motibasyon na mas kailangan niyang magpatuloy sa pagtatrabaho kahit na iisa na lang ang kaniyang kamay.

Source: Unanghirit

Dahil sa kaniyang sipag at tiyaga ay napatapos niya ang kaniyang dalawang anak sa pag-aaral. Kahit na may kaniya-kaniyang trabaho na ang kaniyang mga anak ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagbebenta ng mga fish balls dahil ayaw niyang iaasa sa kaniyang mga anak ang responsibilidad niya bilang isang padre de pamilya.

Source: Unanghirit

Tunay ngang isang inspirasyon ng maraming Pilipino ang pagtataguyod ni Tatay Noel sa kaniyang pamilya kahit na siya ay isang handicap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang 11-taong Gulang na Batang Lalaki Ang Maagang Nakapagtapos sa Kolehiyo At Nagkamit Pa Ng Karangalan Bilang Summa Cum Laude

Isang Delivery Rider, Proud Na Ibinahagi Ang Nakamit Na Diploma Matapos Makagraduate Sa Tulong Ng Kanyang Trabaho