in

Nakakaantig Ng Puso Ang 89-taong Gulang Na Lola Na Matigaya Pa Ring Nagtitinda Ng Basahan Sa Kalye Upang Matustusan Lamang Ang Kanyang Mga Apo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Normal na sa ating mundo na may taong naghihirap sa buhay. Hindi lahat ng tao ay pantay-pantay ang estado sa buhay. Mapabata man o matanda ay kinakailangang maghanapbuhay upang matulungan ang bawat pangangailangan ng pamilya. Ang pagkayod ngayon sa araw-araw upang mabuhay ay wala ng pinipiling edad.

Source: Kathrina Facebook

Katulad na lamang ng isang 80-taong gulang na Lola na nakitang naglalako ng mga basahan sa tabi ng kalsada. Ito ay ibinahagi ng netizen na nakilalang si Kathrina sa kaniyang Facebook Account. Sa nakita ni Kathrina na sitwasyon ng Lola naisipan niyang ipost ito sa social media upang marami ang makakita sa kalagayan nito.

Source: Kathrina Facebook

Ang Lolang ito ay kinilalang si Lola Porferia o mas kilala bilang si Lola Ibyang. Nagtitinda lang umano si Lola Ibyang ng mga basahan sa kahabaan ng Daang Hari SB malapit sa T-intersection sa Commerce Ave, Alabang. Nagtitiyaga umano si Lola Ibyang sa pagtitinda ng mga basahan sa halagang Php100, upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mga apo.

Source: Kathrina Facebook

Matagal nang kilala ni Kathrina si Lola Ibyang simula noong 2015 pa, kaya naman umaasa siya na sa pamamagitan ng kaniyang post ay mabiyayaan ng tulong ang matanda. Kaya naman hinikayat niya ang mga taong napapadaan sa lugar kung saan nagtitinda si Lola Ibyang na huminto saglit at bumili sa kaniya ng mga basahan bilang tulong na rin nila. Makakadagdag din ng ngiti sa mga labi ni Lola Ibyang kung kakamustahin din siya ng mga tao.

Sa nakakatakot na panahon ngayon, lubhang napakadelikado para sa matanda ang nagtitinda sa gilid ng kalsada lalo pa’t siya ay nanghihina na rin dala ng katandaan. Sa hirap ng buhay nila Lola Ibyang kaya wala siyang magawa kundi ang maghanapbuhay sa kabila ng kaniyang edad upang maibsan ang kanilang gutom sa araw-araw. Imbis na siya ay nananatili na lang sa loob ng kanilang bahay at nagpapahinga kumakayod pa rin siya para sa kaniyang mga apo.

Source: Kathrina Facebook

Nawa’y sa mga taong may mabubuting puso sana matulungan ang matanda na maubos ang kaniyang mga paninda upang siya ay makauwi na ng maaga sa kaniyang mga apo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Dito Ang Kwento Ng Isang Security Guard Noon na Nakapagtapos na Ngayon Bilang Cum Luade at Ngayon Ay Isa Ng Guro

Isang 11-taong Gulang na Batang Lalaki Ang Maagang Nakapagtapos sa Kolehiyo At Nagkamit Pa Ng Karangalan Bilang Summa Cum Laude