in

Alamin Dito Ang Kwento Ng Isang Security Guard Noon na Nakapagtapos na Ngayon Bilang Cum Luade at Ngayon Ay Isa Ng Guro

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami na ang nakakakilala kay Erwin Macua dahil sa kaniyang biglaan pagviral at lumabas na rin siya sa TV commercial na kung saan ibinahagi niya ang kwento ng kaniyang buhay.

Source : Google

Dating Security guard si Erwin sa St. Theresa’s College (STC) at habang nagtatrabaho ito ay ipinagsasabay niya ang kaniyang pag-aaral sa paraalan ding kaniyang pinagtatrabahuan.

Nakapagtapos siya bilang Cum Laude at dahil rito ay maraming humanga at naging inspirasyon siya ng marami.

Source: Google

Hindi mapagkakaila na ang ginagawa ni Erwin ay talagang nakakapagod dahil halos wala na itong pahinga ngunit dahil sobrang desidido at determinado siyang makamit ang kaniyang mga pangarap hindi ito nagpatinag sa hirap at pagod.

Tutol ang kaniyang panganay sa ginagawa niya pero ipinaintindi at ipinaliwanag niya ng maayos sa kaniyang anak na panganay ang kaniyang ginagawa at napapayag naman ito kaya sinuportahan niya ang kaniyang ama sa desisyon nito. Magaling at kwela daw si Erwin ayon sa kaniyang mga guro kaya tuwang-tuwa at gusto ito ng kaniyang mga kaklase pati narin ng kaniyang mga guro.

Source: Google

Taong 2017 nang siya’y makapagtapos ng pag-aaral at sobrang espesyal ng pagtatapos na iyon dahil nakatanggap siya ng karangalan bilang Cum Luade. Nagbunga ang pagtatiyaga at pagsusumikap ni Erwin dahil sa tapos na siya sa kursog Education na talagang pinapangarap niya. Isang biyaya rin ang kaniyang natanggap sa taong iyon dahil nakapasa siya sa Licensure Examination for Teachers.

Source: Google

Sa ngayon ay ibang iba na ang buhay ni Erwin dahil kung dati ay nagbabantay sa paaralan bilang security guard ay ngayo’y isa narin siya sa mga nagtuturo sa mga estudyante tungkol sa Araling Panlipunan at Work Education sa ikalawang baitang.

Source: Google

Isang magandang halimbawa ang buhay ni Erwin dahil sa sipag, tiyaga at pagsusumikap ay nabago niya ang kaniyang buhay. Hindi siya nagpasindak sa hamon ng buhay bagkus mas pinili niyang tahakin ang landas na magdadala sa kaniya sa kaniyang pinapangarap na buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

90-taong Gulang na Lola, Tinitipid Ang Kaniyang Kakarampot na Ulam Upang Maibsan Ang Gutom Sa Araw-araw, Inulan Ng Tulong!

Nakakaantig Ng Puso Ang 89-taong Gulang Na Lola Na Matigaya Pa Ring Nagtitinda Ng Basahan Sa Kalye Upang Matustusan Lamang Ang Kanyang Mga Apo