in

Maantig sa Kwento ng Binatang Patuloy na Naghahanapbuhay Kahit Wala Itong Mga Paa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang binatang 21 anyos na ito ang nagpapatunay na hindi magiging hadlang ang kakulangan o kapansanan upang magpatuloy sa hamon ng buhay, na kahit wala itong dalawang paa ay nagpupursige at determinado itong magtrabaho upang masuportahan ang kaniyag pang araw-araw.

Source: Viral Photos

Tubong Sibsib, Tulunan, Cotabato si Ryan Moralidad o mas kilala sa kaniyang palayaw na ‘Ipong’, marami ang humanga at natuwa sa kwento ni Ipong dahil sa kabila ng kaniyang kakulangan ay nagsusumikap itong maghanapbuhay at hindi niya iniinda ang kaniyang kalagayan bagkus mas nagpupursige pa ito upang makatulong at makaraos ngayong panahon ng p@ndemya.

Source: Viral Photos

Ulila na sa Ama sila Ipong at panganay siya sa walong magkakapatid kaya kinakailangan niyang magsumikap at magtrabaho kahit na may kapansanan ito dahil tanging sa paglalako lang ng kanilang ina sila kumukuha ng panggastos na hindi naman sumasapat para sa kanilang pamilya.

Source: Viral Photos

Hindi hinayaan ni Ipong na maging pabigat sa kaniyang pamilya dahil sa kaniyang kalagayan, pursigido siyang makatulong sa kaniyang pamilya at sa bawat araw na kaniyang hinaharap ay baon-baon niya ang lakas ng loob at determinasyong makapag trabaho para sa pamilya.

Source: Viral Photos

Sa mga larawan ni Ryan makikita kong gaano siya kasipag maghanapbuhay, nagsasaka at nag-uuling si ipong kahit na kita sa mga larawan na wala siyang paa ay gumagawa parin siya ng pagkakakitaan upang may maipandagdag sa pambili ng gastusin sa pang araw-araw.

Ayon sa kamag-anak ni Ipong na si Irene Dioso, isa raw mabait, matulungin at masipag na bata si Ipong. Nakakalungkot na ang tanging naabot lamang ni Ipong ay Grade 1 dahil huminto ito sa pag-aaral dahil sa mga mapanuksong mga tao.

Source : Viral Photos

Sa kabila ng lahat ng kaniyang pinagdadaanan ay isa namang siyang magandang modelo na hinangaan at naging isang inspirasyon para sa marami. Pinakita at pinatunayan niya sa marami na kaya niyang makatulong kahit na hindi siya kompleto.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Babaeng May Mabuting Puso Ang Walang Alinlangang Nagpakain Sa Mag-amang Tumitingin Lamang sa Labas ng Jollibee

Alamin ang Kwento ng Palaboy na Aksidenteng Nakasalubong Ang Matagal ng Naghahanap sa Kaniya