in

LoveLove CryCry

Alamin ang Kwento ng Palaboy na Aksidenteng Nakasalubong Ang Matagal ng Naghahanap sa Kaniya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nagviral at pinag-usapan sa social media ang kwento ng isang lalaki na halos 5 taon ng palaboy sa Metro Manila, marami ang naiyak at natuwa sa kwento ng buhay nito. Taong 2020, January 20 sa ganap na alas 8 ng gabi ayon kay Ric Oliver na siyang nagbahagi ng kwento ng palaboy sa kaniyang social media.

Source: Ric Oliver

Nakaupo raw noon sila Ric sa Pateros Lagatan Nights nang biglang may tumabi sa kanilang lalaking palaboy. Wala daw ano mang imik ang lalaki at tulala ito, hinayaan nalang nila ito dahil wala namang masamang ginagawa.

Source: Ric Oliver

Halos ilang oras na silang nakaupo sa lugar na iyon at andoon pa rin yung lalaking palaboy nang biglang may napadaang babae na parang papasok palang ito sa trabaho. Napansin nilang napalingon ang babae sa kinaroroonan nila at natuon ang pansin nito sa palaboy. Tila ang bilis ng pangyayari dahil nabigla sila Ric sa ginawa ng babae dahil biglang nilapitan ng babae ang palaboy at hinagkan ito ng may emosyon sa kaniyang mukha.

Source: Ric Oliver

Nang makabitiw sa pagkakayakap ang dalawa ay agad na kumuha ng telepono ang babae at tinawagan ang kanilang ina at ito ang kaniyang sinabi, “Nay nakita ko na po si kuya, hindi na po ako papasok, iuuwi ko na siya jan.” at pagkabanggit ng babae sa mga salitang iyon ay hindi na rin napigilan ng lalaking palaboy ang maiyak.

Source : Ric Oliver

5 taon na raw na nawawala ang lalaking iyon at sa Batangas ito nawala ayon sa babaeng nagsasabing kuya niya raw ang lalaking palaboy. Hindi naman na rin gaanong nalaman ni Ric ang iba pang detalye dahil nung mga oras na iyon ay sobra ng naging emosyonal ang magkapatid. Kaya ibinahagi ni Ric ang kwentong kaniyang nasaksihan ay dahil gusto niyang magsilbi itong inspirasyon para sa marami.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Maantig sa Kwento ng Binatang Patuloy na Naghahanapbuhay Kahit Wala Itong Mga Paa

90-taong Gulang na Lola, Tinitipid Ang Kaniyang Kakarampot na Ulam Upang Maibsan Ang Gutom Sa Araw-araw, Inulan Ng Tulong!