in

CuteCute

90-taong Gulang na Lola, Tinitipid Ang Kaniyang Kakarampot na Ulam Upang Maibsan Ang Gutom Sa Araw-araw, Inulan Ng Tulong!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dulot na rin ng kahirapan marami sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng kagutuman ito yung tipong itinitira at pinagkakasiya na lamang ang natitirang pagkain para sa susunod na mga araw. Ganito na lamang ang ginagawa ng isang Lolang nag-viral dahil sa pagtitipid nito ng kaniyang kakarampot na ulam para sa iilan pa niyang araw na pagkain.

Ang Lolang ito ay nakilalang si Lola Lucena o mas kilala sa tawag na Lola Lusing na taga Barangay Damiano na tubong Brgy. Maananteng, Solsona, Ilocos Norte. Ibinahagi ng netizen na si Jun Butac ang naging kalagayan ni Lola Lusing sa social media upang maabutan ito ng tulong. Kaya dahil sa kaniyang post maraming mga netizens ang nagbigay ng tulong kay Lola Lusing.

Source: Jun Butac

Ayon sa kwento ng matanda, namumulot lamang daw siya ng pagkain upang siya may makain sa araw-araw o di naman kaya ay tinatakpan niya ang kaniyang pagkain upang kaniyang ikukunsumo pa sa mga susunod na mga araw. Minsan naghihintay lamang daw siya kung anong pagkain ang ibibigay sa kaniya ng kaniyang mga kapitbahay.

Napag-alaman pang mag-isa na lang si Lola Lusing sa buhay wala itong kasama sa kaniyang tahanan, kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang buhayin ang kaniyang sarili upang siya ay makakain at makaraos sa araw-araw.

Source: Jun Butac

Kaya naman nang dahil sa larawan na ipinost ni Jun marami ang nagpaabot ng tulong sa matanda at isa na rito si Ma’am Rona na mula pa sa Pasuquin, Ilocos Norte. Sa tulong na rin ng Solsona Municipal Police Station ay kanila ngang natunton si Lola Lusing at personal niyang ipinaabot ang kaniyang tulong.

Source: Jun Butac

Labis naman ang naging tuwa ng matanda sapagkat hindi na niya kailangan pang pagtiyagain ang kaniyang kakarampot na ulam, dahil marami na siyang groceries para sa supply ng kaniyang pagkain sa araw-araw. Higit namang nagpasalamat si Lola Lusing sa mga mabubuting taong tumulong sa kaniya.

Nawa’y mabibiyaan ng maykapal ang lahat ng taong tumulong at tutulong kay Lola Lusing.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin ang Kwento ng Palaboy na Aksidenteng Nakasalubong Ang Matagal ng Naghahanap sa Kaniya

Alamin Dito Ang Kwento Ng Isang Security Guard Noon na Nakapagtapos na Ngayon Bilang Cum Luade at Ngayon Ay Isa Ng Guro