in

LoveLove

Isang Babaeng May Mabuting Puso Ang Walang Alinlangang Nagpakain Sa Mag-amang Tumitingin Lamang sa Labas ng Jollibee

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa ating mga kababayan ang mas higit na nangangailangan ng tulong dahil sa hirap ng buhay ngayon na dala na rin ng krisis. Kaya naman mas masarap sa pakiramdam kung ang mga taong kagaya nila ang natutulungan. Hindi mahalaga ang estado sa buhay upang makatulong sa ating kapuwa. Kahit sa simpleng paraan na maibibigay natin ay malaking tulong na iyon sa kanila.

Source: Facebook

Kagaya na lamang ng isang babaeng buong pusong nagmalasakit sa mag-amang palaboy sa labas ng Jollibee. Ang mag-ama kasing ito ay tumitingin sa labas ng Jollibee habang kumakain ang mga tao sa loob. Nang makita sila ng babae habang nakapila ito ay napansin niya ang mag-ama at nakaramdam siya ng awa rito marahil wala itong pambili ng pagkain kung kaya’t ang kanilang gutom na nararamdam ay idanaan na lamang sa tingin.

Source: Facebook

Dahil naantig siya sa kalagayan ng mag-ama kaniya itong nilapitan at niyayang pumasok sa loob ng fast food. Agad namang tinanong ng babae kung ano ang gusto kainin ng mag-ama, at tila nahihiya pa ang mag-ama na magsabi ng kanilang gustong pagkain dahil wala silang pambayad. Ngunit ang babae ay gusto lamang silang matulungan upang sila ay makakain ng araw na iyon kahit sa simpleng paraan lamang sila ay matulungan. Sabi pa ng babae sa mag-ama, “wag na ho kayong mag-alala ako na ho ang magbabayad”.

Source: Facebook

Ayon sa mag-ama buong araw na raw silang walang makain tanging tubig lang ang kanilang pantawid gutom. Kaya tumitingin na lamang sila sa loob ng Jollibee sa mga taong kumakain dahil wala silang perang pambili ng pagkain. Kaya naman laking pasasalamat ng mag-ama sa babae na sila ay tinulungan nito na makakain.

Source: Facebook

Talagang hirap sa buhay ang mag-ama kaya isang hulog ng langit ang binigay na tulong sa kanila ng babae. Ayon pa sa babae, isa rin umano siyang ina na nararamdam ang sakit at hirap ng isang magulang kapag walang maipakain sa kaniyang anak. Kaya hindi siya nag-alinlangan na tulungan ang mag-ama dahil nakikita niyang ang mga ito ay gutom na gutom na.

Source: Facebook

Ang pagtulong na ito ng babae ay umantig sa mga netizens at marami ang humanga sa kaniyang pagiging isang ‘Good Samaritan’. Isang inspirasyon ang ipinakitang kabutihan ng babae dahil hindi siya nagdalawang isip na tulungan ang mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

83-taong Gulang Na Lola Umaakyat Ng 30-Talampakan Katumbas Ng 3-Storey Building Ang Taas Ng Puno Ng Kawayan Upang Makagawa Lamang Ng Basket

Maantig sa Kwento ng Binatang Patuloy na Naghahanapbuhay Kahit Wala Itong Mga Paa