in

LoveLove

83-taong Gulang Na Lola Umaakyat Ng 30-Talampakan Katumbas Ng 3-Storey Building Ang Taas Ng Puno Ng Kawayan Upang Makagawa Lamang Ng Basket

  •  
  •  
  •  
  •  
  • 1
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Sa panahon ngayon, nauuso ang paghahanapbuhay ng mga ating mga Lola at Lolo dahil na rin sa hirap ng buhay. Sa kabila ng kanilang katandaan mas pinipili pa rin nilang kumayod upang kumita ng pera sa kanilang pamilya.

Isa na nga sa kanila si Lola Gloria Gillado, 83-taong gulang mula pa sa Iloilo na mag-isang binubuhay ang kaniyang apo sa pamamagitan ng paghahabi at pagtitinda ng mga basket na gawa sa kawayan. Sa kabila ng kaniyang katandaan nagagawa pa rin niyang umakyat sa puno ng kawayan na kasing-taas ng isang tatlong palapag na gusali upang kumuha ng mga materyales para sa hahabiin niyang mga basket upang ito ay kaniyang ipagbibili sa Miag-ao Public Market sa Iloilo.

Source: Jessica Soho

Ang kwentong nito ni Lola Gloria ay ibinahagi sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Ayon kay Lola Gloria, ginagawa na niya ang ganitong hanapbuhay noong siya ay 10-taong gulang pa lamang hanggang ngayon upang kumita ng pera. Sinisimulan ni Lola Gloria ang kaniyang araw sa tuwing alas-8 ng umaga, siya ay naghahanda muna ng kaniyang babauin na tanghalian na isang pirasong isda at kanin bago maglalakad na siya ng isang oras sa bundok upang umakyat sa puno ng kawayan. Tanging ang bolo na kutsilyo lang ang dala-dala ni Lola Gloria at buong tapang at walang pagod itong umaakyat 30-talampakang taas na puno ng kawayan.

Source: Jessica Soho

Sabi pa ni Lola Gloria, pinipili niya ang mga tangkay malapit sa tuktok upang madali silang mahulog sa lupa. Bagaman siya ay napapagod at nasusugatan minsan, hindi na ito alintana sa kaniya mahalaga ay mayroon siyang makuha upang siya ay makagawa ng mga basket. Minsan ay nilalaktawan niya ang tanghalian upang matapos niya ang pagtatrabaho nang maaga. Umuwi siya sa kanilang bahay dala ang humigit kumulang anim na kilo ng kawayan na siya lang din ang nagdadala.

Source: Jessica Soho

“Kapag naubusan ako ng hininga o napapagod, umupo ako. Kapag mainit, nagdadala ako ng isang litro ng tubig upang hindi ako mauuhaw,” aniya pa.
Napag-alaman pang si Lola Gloria ay nabalo nang mahigit sa 50 taon at inilaan ang paghahanapbuhay para sa kaniyang tatlong mga anak lamang. Ayon pa kay Aristo Gillado, ang panganay na anak ni Lola Gloria na nakatira sa Antique, hangarin ng kaniyang ina na magpatuloy sa pagtatrabaho kahit na sinabi na nila sa kanilang ina ng maraming beses na huminto na sa pagtatrabaho.

Source: Jessica Soho

“Ayaw niyang huminto dahil iyon ang kaligayahan niya at iyon ang gusto niyang gawin. Kung hindi niya gawin iyon, mahihina siya. Kung mayroon lang akong ibibigay,” sabi ng anak ni Lola Gloria.
Dahil lahat ng mga anak ni Lola Gloria ay mayroon nang kani-kanilang pamilya, ang kaniyang 18-taong-gulang na apo na si Jennifer Gillado ang kaniyang kasama sa buhay. Tulad ng kagustuhan ni Jennifer na magboluntaryo at gawin ang lahat ng gawain, pinipigilan siya ni Lola Gloria na gawin ito dahil hindi rin siya pisikal na kaya ang ganitong gawin dahil siya ay may sakit na hika.

Source: Jessica Soho

“Masakit makita siyang ginagawa niya upang matulungan tayo. Nahihirapan siya ngunit nananatiling malakas at umaakyat ng mga puno ng kawayan upang pondohan ang aming pag-aaral,” sabi pa ni Jennifer.

Ngunit tinitiyak naman ni Jennifer na makakatulong siya sa kaniyang Lola na gawin ang mga basket kahit na minsan daw ay inaabot sila ng hanggang 7 ng gabi upang matapos ang lahat ng mga basket na ibebenta pagka-umagahan. Maagang tumutungo si Lola Gloria sa Miag-ao Public Market upang ibenta ang kaniyang mga paninda sa halagang Php120 bawat isa. Sa kasamaang palad, ang demand ng mga mamimili ay mababa kay minsan kumikita lang siya ng Php50.

Source: Jessica Soho

“Sa isang linggo, kumikita ako ng P720. Minsan, lahat ay nabibili kaya’t mas malaki ang kinikita ko,” she said. “Ngayon, kumita ako ng P50. Hindi ito sapat para sa gastos namin sa bahay,” ika pa ni Lola Gloria.

Kaya naman ang sitwasyon ni Lola Gloria ay isinangguni sa Miag-ao Social Welfare and Development Office, na siyang nagbigay ng supply ng mga bigas sa kaniya at sa kaniyang apong si Jennifer. Sinabi din ng munisipiyo sa tanggapan ng Office of Tourism na si Anthony Selorio, ang nagboluntaryo na ibibigay kay Lola Gloria ang mga materyales na libre upang hindi na ito umakyat sa mapanganib na puno ng kawayan.

Source: Jessica Soho

Dala ng kahirapan kaya maraming katulad ni Lola Gloria ang nagtatrabaho sa kabila ng kanilang katandaan, kahit na sinasabi na kaya pa nilang maghanapbuhay mas maigi na rin na sila ay dapat nanatili na lang sa loob ng bahay at nagpapahinga lalo pa’t ngayon ay panahon ng pandemiya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan dito Ang Kakaibang Estilo ng Couple na ito na Naging “Drive-Thru Wedding” ang Kanilang Kasal

Isang Babaeng May Mabuting Puso Ang Walang Alinlangang Nagpakain Sa Mag-amang Tumitingin Lamang sa Labas ng Jollibee