in ,

Tingnan dito Ang Kakaibang Estilo ng Couple na ito na Naging “Drive-Thru Wedding” ang Kanilang Kasal

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil sa tumataas na kaso ng p@ndemiya sa bansang Malaysia, idineklara ng kanilang gobyerno ang isang Movement Control Order sa kanilang bansa. Kaya kanilang sinisikap na sundin ang mga bawal na pagtitipon katulad na lamang ng kasal at libing.

Source: Zenuz Production

Ngunit ang mag-asawang Malaysian na ito ay nakagawa ng isang mapanlikha na paraan upang makakuha ng pagkakataon nang hindi ipagsapalaran ang pagkalat ng pandemiya. Ito nga ay ang isang “Drive-Thru Wedding”, kung saan ipinagdiwang nila ang kanilang kasal kasama ang kanilang mga panauhin mula sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananatili ng mga ito sa loob lamang ng kanilang mga kotse na tila parang nag-oorder lamang sa isang drive-thru.

Source: Zenuz Production

Ang natatanging seremonya sa kasal na ito ay pinlano ni Dinas Bridal, isang tagaplano ng kaganapan sa kasal sa Malaysia, na nagbahagi ng kuwento at mga larawan mula sa kaganapan sa kaniyang Facebook account. Tinawag ni Dinas Bridal ang seremonyang ito na Majlis Kahwin Drive Thru 2020, na maaaring isalin mula sa salitang English bilang “Drive-Thru Wedding 2020”. Ito ay isang uri ng bersyon ng isang fast-food restaurant na drive-thru.

Source: Zenuz Production

Makikita sa larawang ibinahagi ni Dinas Bridal, kung saan ang mga bisita at mga kamag-anak ng bagong kasal ay nasa loob lamang ng kanilang sasakyan kung saan hihinto ito upang masilayan ang magandang ngiti ng mag-asawa. Agaw-pansin rin ang kanilang napakagandang wedding decoration na may mga kulay pulang rosas at napaka-eleganteng kurtina sa gilid ng kalsada.

Source: Zenuz Production

Dagdag pa rito ang karanasan kung paano ang naging pagbati ng mga bisita sa bagong kasal at ang pasasalamat naman ng groom at bride sa kanilang mga bisita. Mapapansin din na mayroon silang dropped box para sa kanilang mga wedding gifts para maiwasan ang physical contact.

Kaya ang kakaibang kasalan na ito ay umani ng mga papuri at paghanga dahil sa kakaibang konsepto nito. Marami ang nagsabing ito ay isang “creative” at “cute” na wedding ceremony, mayroon din naman ang may gusto na gayahin ang ganitong konsepto.

Source: Zenuz Production

Nasa gitna man tayo ngayon ng p@ndemiya, hindi naman ito hadlang upang tayo ay makagawa ng kakaibang istilo upang maiwasan ang paglaganap ng krisis.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Successful na CEO ng Malaking Kompanya Sinubukang Gawin ang Kaniyang Pinangarap na Maging Isang Magsasaka

83-taong Gulang Na Lola Umaakyat Ng 30-Talampakan Katumbas Ng 3-Storey Building Ang Taas Ng Puno Ng Kawayan Upang Makagawa Lamang Ng Basket