in

CuteCute LoveLove

Proud Na Ipinasilip ng Pamilyang Legazpi Ang Kanilang Napakagandang Mansyon sa Pasig City

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala sa industriya ng showbiz ang Legazpi family simula pa lamang nang dalaga pa si Carmina Villaroel at Zoren Legazpi. Natutukan ng buong mundo ang kanilang pag-iibigan hanggang sa ikasal ang dalawa at biyayaan ng kambal na anak na sina Mavi at Casey Legazpi.

Kitang-kita rin sa pamilya na dumadaloy ang good-looks na namana rin ng kanilang mga anak. Hindi na rin kataka-taka na susunod sa yapak ng kanilang mga magulang sina Mavi at Casey na sa ngayo’y umuusbong na rin ang karera sa showbiz. Kung titignan ay parang magkakabarkada lamang ang pamilya lalo na’t napanatili nila Carmina at Zoren ang kanilang youthful looks.

Dahil na rin sa sipag at tyaga ng mag-asawa ay nakapagpundar sila ng kanilang mansion sa Pasig City. Maraming fans ang netizens ang nagrequest na ipakita ng pamilya ang interiors ng kanilang bahay. Kalaunan ay pinagbigyan ng mag-asawa ang mga ito at ipinakita nga sa publiko ang loob ng kanilang mansion.

Binuksan nila ang kanilang tahanan sa Yes! Magazine at nagbigay ng tour sa loob ng kanilang bahay. Paglalahad ni Zoren ay ang disenyo umano ng kanilang bahay ay pagbibigay pugay sa kalikasan dahil gusto nila na lumaki ang mga anak nila na may appreciation sa kalikasan.

Ipinakita nila ang kanilang living room kung saan ay tropical ang disenyo at mayroon pang hanging chair na gawa sa rattan. Maraming magazines rin ang makikita sa living room dahil ito daw ang hilig kolektahin ni Carmina.

Sa kwarto naman ni Mavy ay mayroong shelves kung saan ay nakalagay ang mga paboritong libro at mga CDs nito. Kulay green at yellow ang kwarto ni Mavy dahil ito ang paborito nitong kulay.

Sa kwarto naman ni Casey ay kulang pink at yellow, ay mayroon rin shelvings kung saan nakalagay ang mga gamit at dating paboritong laruan nito.

Ang master’s bedroom naman ay mayroong malaking flat screen TV kung saan pwedeng magrelax ang mag-asawa o manood ng family videos. Combination naman ng dark flooring at light colored walls ang kwartong ito upang magbigay ng relaxing ambiance sa mag-asawa. Mayroon ring sariling espasyo ang mag-asawa para sa kanilang mga damit at mga paboritong bags ni Carmina.

Tunay na simple at relaxing ang ambiance ng mansion ng mga Legazpi at ayon sa isang interview kay Zoren, mas pinahahalagahan umano nito ang communication sa bawat isa upang mapanatili ang masayang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Childstar na si Ella Guevarra, Ibang-iba Na Ang Buhay Ngayon

Isang Successful na CEO ng Malaking Kompanya Sinubukang Gawin ang Kaniyang Pinangarap na Maging Isang Magsasaka