in

Isang Successful na CEO ng Malaking Kompanya Sinubukang Gawin ang Kaniyang Pinangarap na Maging Isang Magsasaka

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kinilala si Tres Domingo na isang CEO ng isang matagumpay na kompanya na Idea X Machina (IXM), isa ito sa mga nangungunang advertising company sa Pilipinas. Maituturing na isang malaki at matagumpay ang kaniyang kompanya, dahil kamakailan nga lamang ay nagkamit ito ng dalawang parangal sa ginanap na Campaign Agency of the Year Awards laban sa iba pang mga competitors nila sa buong mundo.

Ang kaniyang kompanya ay ginawaran ng Best Place to Work and Talent Management Team of the Year. Samantala, bago pa man tinamasa ni Tres Domingo ang matagumpay niyang buhay ngayon ay naranasan niya muna ang hirap ng buhay, dahil siya ay nagmula sa mahirap na pamilya. Siya ay lumaki sa loob ng compound ng National Bilibid Prisons kung saan doon din nagtatrabaho bilang gwardya ang kaniyang ama.

Lumaki si Tres na ang kaniyang mga nakakalaro ay ang mga inmates sa nasabing bilibid, kung saan ang madalas nilang nilalaro ay chess. At tulad nga ng ibang indibidwal na naging matagumpay sa kanilang buhay, ay nagsumikap si Tres sa kaniyang buhay kaya naman mula sa mahirap na buhay noon ngayon nga ay mayroon na siyang sariling matagumpay na kompanya. Maliban pa sa kaniyang sariling kompanya na naipundar, ay nabigyan rin niya ng katuparan ang isa sa kaniyang pangarap, at ito nga ay ang maging isang magsasaka kung saan matagumpay din niya itong nakamit.

Kamakailan nga lamang sa naging panayam ng Esquire Philippines kay Tres, naikuwento at naibahagi niya kung paano niya nakamitan ang tagumpay sa buhay, at kung bakit niya pinangarap na maging isang magsasaka kahit na siya’y CEO na ng kaniyang sariling kompanya.

Source: Esquire

Ayon kay Tres,
“It’s a return to my roots kind of thing”.
“I come from a family of teachers and farmers. When I was a kid, I enjoyed helping out in the rice fields of relatives during the summer break.”

Ibinahagi rin niya ang larangan na kaniyang pinasok na farming at advertising na malaki ang pagkakaiba ng excitement na kaniyang nararamdaman sa tuwing tinatrabaho niya ang mga ito.

Source: Esquire

Kuwento pa niya, ang buhay sa advertising halos wala ng pahinga dahil kahit gabi ay nagtatrabaho pa rin, samantalang ang pagtatrabaho sa bukid sa kabila ng pagod sa maghapon, pagdating naman ng gabi ay maari ka ng magpahinga. Dagdag pa ni Tres, na ang mga Aeta ang kaniyang nakakatulong sa kaniyang bukid lalo na kapag siya ay abala sa kaniyang trabaho sa Maynila.

Source: Esquire

Ang mga ito umano ang kaniyang katulong sa pangangalaga ng napakahabang ilog na pinagkukunan nila ng supply ng tubig para sa kahati ng kanilang mga tanim, kagaya ng palay, kape, mulberries, prutas at gulay.

Source: Esquire

Aniya pa, magmula ng sinimulan niya ang pagsasaka ay marami siyang natutunan sa buhay ng isang magsasaka, at mas naintidihan niya ang kalikasan. Noong una nga umano ay hindi naging madali kay Tres na matutunan ang mga bagay sa pagsasaka, kung saan naranasan pa nga niya noon na pagtawanan ng mga magsasaka dahil sa hindi niya nakayang umani ng 100 kaban ng palay, dahil sa 30 kaban lamang ang nakaya niya na bawat ektarya na kaniyang lupain.

Source: Esquire

Sa kabila nito ay hindi naman siya pinaghinaan ng loob, at mas lalo pa siyang naging determinado na maging mahusay na magsasaka. Pinag-aralan ni Tres ang tamang proseso ng pagsasaka, kung saan siya nanood ng mga farming tutorials sa YouTube at nagbasa ng mga libro na patungkol sa tamang modern farming.

Source: Esquire

Siya’y nag-invest ng tractor para mapadali ang pag-araro ng lupain at inalam rin niya kung ano ang mga naging pagkakamali niya noon kagaya na nga lamang ng “not leveling his field, not investing in fertilizers, and not preparing the soil.” Matapos nga ang naging pagsisiyasat at pag-aaral ni Tres sa farming, gamit ang kaniyang mga natutunan ay matagumpay siyang nakapag-harvest ng 110 cavan per hectare sa ikalawang harvest season na talaga namang ikinabilib na ng mga magsasaka sa kaniya.

Source: Esquire

“Hindi sila makapaniwala, pero tuwang tuwa din.” “Naka 110 cavans of rice ako per hectare during my second harvest. Balitang balita ako sa barangay namin! Takang-taka sila sa dalawang malaking truck na nagpupunta sa farm ko, bibili ng palay ko!” ika pa niya.

Source: Esquire

Ngayon si Tres ay nagmamay-ari na ng sampung hektaryang lupain sa Tarlac, kung saan ito ang kaniyang sinasaka. Kabisado na rin niya ang rice farming kaya naman talagang masayang masaya siya sa kinalabasan ng kaniyang naging bagong tagumpay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Proud Na Ipinasilip ng Pamilyang Legazpi Ang Kanilang Napakagandang Mansyon sa Pasig City

Tingnan dito Ang Kakaibang Estilo ng Couple na ito na Naging “Drive-Thru Wedding” ang Kanilang Kasal