in

OMGOMG LoveLove CuteCute

Dating Childstar na si Ella Guevarra, Ibang-iba Na Ang Buhay Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa bawat dumaraan na panahon ay iba’t ibang talents ang nadidiskubre at lumalabas sa telebisyon. Dumarami ang kompetisyon bilang artista sa showbiz kaya naman hindi lamang hitsura ang tinitignan kundi pati ang abilidad ng isang artista na makarelate sa publiko.

Source: Google

Bagamat isang malaking bagay ang maging sikat na aktres, mayroon pa ring mga actor na pinipiling lumayo sa spotlight. Hindi rin biro ang stress at oras na kinakain ng pagiging artista kaya naman ay ang iba mas pinipili ang simpleng buhay matapos matikman ang buhay sa industriya ng showbiz.

Source: Ella Guevarra IG

Tulad na lamang ng child star na si “Ella Guevarra” na isa sa mga hinahangaan dahil sa maamo nitong mukha at galing sa pag-arte. Malaking oportunidad ang dumating kay Ella nang makilala ito sa talent search ng GMA-7 na ‘Starstruck Kids’. Matapos makilala ang talento at potential ni Ella ay nagkaroon ito ng maraming offers para sa mga teleserye at pelikulang ipapalabas sa GMA-7.

Source: Ella Guevarra IG

Kinagiliwan ang batang Ella Guevarra lalo na sa galing nito sa pag-arte. Sa katunayan, nakahakot rin ito ng maraming awards habang nasa industriya. Kabilang dito ang Best Child Performer of the Year noong 2004 sa Metro Manila Film Festival. Nakuha rin nito ang Most Popular Child Actress noong 2005 sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards. Nakatanggap din ito ng Best Child Actress sa Famas noong taong 2006 at Most Popular Child Actress noong taong 2007.

Source: Google

Subalit sa pagpapayagpag ng karera nito sa showbiz ay mas pinili ni Ella na pagbutihin ang kanyang pag-aaral at personal na buhay. Ipinagbuti nito ang pag-aaral at nakapasok sa University of the Philippines para sa kursong BS Arts in Multimedia Studies.

Source: Google

Hindi lamang talento sa acting kundi talino at passion sa arts ang meron si Ella. Kaya naman bagamat hindi na ito nasa showbiz ay masayang masaya naman ang dalaga sa landas na tinatahak. Importanteng piliin natin ang mga bagay na mag nagkapagbibigay saya sa atin.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Dito Ang Nakakakaba At Nakakatawang Karanasan Ng Isang Nanay Na Nakakita Ng”Ghost Baby” na Katabi ng Kaniyang Anak habang Natutulog

Proud Na Ipinasilip ng Pamilyang Legazpi Ang Kanilang Napakagandang Mansyon sa Pasig City