in ,

LOLLOL

Alamin Dito Ang Nakakakaba At Nakakatawang Karanasan Ng Isang Nanay Na Nakakita Ng”Ghost Baby” na Katabi ng Kaniyang Anak habang Natutulog

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Madalas sa ating mga nanay na binabantayan ang ating mga maliliit na mga anak lalo na kung ito ay sanggol pa lamang. Hindi maganda sa pakiramdam ng isang ina kung mag-isang natutulog ang kaniyang anak sa isang silid lalo na kapag gabi. Sa mga pagkakataong ganito, may mga magulang ang naglalagay ng isang cctv monitor upang mabantayan ang kanilang anak sa kalagitnaan ng gabi.

Isang nanay ang nagbahagi sa social media ng kaniyang nakakatakot at nakakatawang karanasan sa pagtulog ng kaniyang anak. Siya ang nakilalang si Maritza Elizabeth, nakasaksihan niya umano ang isang paranormal activity na talagang kinilabutan siya. Napag-alaman kasi na si Elizabeth ay nakakita ng isang ‘Ghost Baby’ na katabi mismo ng kaniyang anak sa loob ng crib nito at nakita niya ito mismo sa kanilang cctv monitor.

Source: Maritza Elizabeth

Sa kaniyang post sa Facebook, ibinahagi niya ang kuhang larawan na ito ng kanilang cctv monitor. At ipinakita rin niya ang mahimbing na pagtulog ng kaniyang anak na si Lincoln. Dito sa larawan makikita ang paranormal activity ng ‘Ghost Baby’ na nahagip ng kanilang monitor.

“Last night, I was positive there was a ghost baby in the bed with my son,” ika pa niya.

Ayon pa kay Elizabeth, siya ay sobrang natakot at bahagyang hindi nakatulog. Upang kaniya itong makita sa malapitan pumunta siya sa silid ng kaniyang anak at inilawan niya ito gamit ang isang flashlight. Nang kaniya naman itong siyasatin pagka umagahan, natuklasan ni Elizabeth na ang inakala niyang nakakatakot na ‘Ghost Baby’ ay larawan lamang pala ng isang sanggol na nakabalot sa kutson ng kaniyang anak na nakalimutang tanggalin ng kaniyang asawa nang magpalit ito ng bedsheet.

Source: Maritza Elizabeth

Dahil sa kaniyang natuklasan natawa na lamang si Elizabeth sa kaniyang sarili at sinabi sa kaniyang post na may caption na “I could k*ll him.”

Ang naging karanasan na ito ni Elizabeth ay ang nagpapaalala sa atin bilang mga magulang na lagi nating babantayan ang ating mga anak mula sa kanilang pagtulog hanggang sa kanilang paggising.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Trending Ngayon Sa Social Media Ang ‘Babysitter’ Ng Napaka-cute Na si Scarlet Snow, Dahil Isa Pala Itong Sikat Na Modelo sa New York!

Dating Childstar na si Ella Guevarra, Ibang-iba Na Ang Buhay Ngayon