in

CuteCute

Trending Ngayon Sa Social Media Ang ‘Babysitter’ Ng Napaka-cute Na si Scarlet Snow, Dahil Isa Pala Itong Sikat Na Modelo sa New York!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang napaka-cute at bibong si Scarlet Snow na anak nina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho Jr. ang laging patok sa social media dahil sa napaka-charming face nito. Ngayon ay naging usap-usapan sa social media ang kaniya umanong “Guest Baby Sitter”.

Sa Instagram ni Scarlet, makikita sa kaniyang larawan kung paano siya nag-aaral ng tamang pag-pose at lumakad katulad ng isang magaling na modelo. Ito ang naging gawain ni Scarlet noong sila ay nagbakasyon sa New York kasama ng kaniyang mga magulang.

Source: @analubabalu

Sabi pa ng napaka-cute na si Scarlet, “My guest babysitter @analubabalu is a model here in New York. She’s giving me lessons on how to walk gracefully and how to pose for the camera.”

Source: Scarlet Snow

Napag-alaman kasing ang babysitter ni Scarlet na si Analu Araujo ay isa palang Brazillian model sa New York City. Kung saan kaniyang tinuturuan si Scarlet kung paano ang magpose sa tamang anggulo sa kamera at kung paano maglakad ng sosyal ang dating.

Source: @analubabalu

Si Analu, ay naging parte ng popular international modeling agency na Wilhelmina Models. Sa hiwalay naman na post ni Analu sa kaniyang Instagram account, ibinahagi niya ang larawan na masaya silang naglalaro ng kaniyang alaga na si Scarlet. Ayon pa sa kaniya, napaka charming at adorable daw ni Scarlet kaniya labis daw niya itong kinatutuwaan.

Source: Scarlet Snow

Ayon sa isang Youtube account ng isang fan ni Analu, talagang part-time job daw ng dalaga ang pagba-babysitting sa tuwing hindi ito busy sa kaniyang trabaho bilang isang modelo. Ito daw kasi ang iba niyang pinagkakakitaan upang makatulong siya sa kaniyang pamilya at hindi naman niya ito ikinakahiya.

Na sa kabila ng kaniyang kagandahan bilang isang sikat na modelo, ay isa rin pala siyang napakagandang Yaya. Kaya labis din ang pagkagusto sa kaniya ni Scarlet dahil maraming natutunan sa kaniya ang bata lalo na kung paano ang tamang pagharap sa kamera.

Source: @analubabalu

Kaya naman ang mga netizens ay hindi makapaniwala sa kanilang nalaman. Marami ang pumuri sa kaniyang kagandahan at humanga sa kaniyang pagtatrabaho bilang isang Yaya kahit naman na isa na siyang sikat na modelo.

Sinong mag-aakalang ang isang napakagandang modelo ang yaya ng napakakulit at napaka-cute na si Scarlet.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Batang Babae Ang Naglalakad Noon Ng 4 Kilometro Makapagtapos Lamang Kahit Iisa Lang Ang Kanyang Paa

Alamin Dito Ang Nakakakaba At Nakakatawang Karanasan Ng Isang Nanay Na Nakakita Ng”Ghost Baby” na Katabi ng Kaniyang Anak habang Natutulog