in

LoveLove CryCry

Isang Batang Babae Ang Naglalakad Noon Ng 4 Kilometro Makapagtapos Lamang Kahit Iisa Lang Ang Kanyang Paa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pag-abot natin sa ating mga pangarap kailanman ay hindi magiging madali. Nagkakaroon lamang ito ng katuparan kung tayo ay nagsisikap at may determinasyon sa buhay. Kahit ang iba sa atin ay may kakulangan sa buhay hindi ito nagiging hadlang upang magkaroon ng kulay ang bawat isang pangarap.

Ganito na lamang ang ipinakitang determinasyon sa buhay ng isang batang tinitiis na maglakad na malayo kahit iisa lang ang kaniyang paa upang siya ay makapag-aral lamang. Ang batang ito ay kinilalang si Jean Areja Derapal, siya ay naglalakad ng mahigit apat na kilometro ang layo patungo sa kanilang paaralan kahit na ito ay may kapansanan. Para sa kaniya ang edukasyon ay pang habangbuhay at kailanman ay hindi mawawala sa kaniya. Kaya naman determinado siyang makatapos sa kaniyang pag-aaral.

Source: Junar T. Mahilum

Sa loob ng anim na taon niya sa elementarya ay nairaos niya ang kaniyang pag-aaral sa kabila ng kaniyang pisikal na kakulangan. Sa kaniyang pagtatapos, ipinakita niya ang pagpapahalaga at pagsusumikap upang maabot ang kaniyang mga mithiin sa buhay. Dahil na rin sa ipinakita niyang sipag at dedikasyon sa pag-aaral ay ginawaran siya ng parangal ng kanilang paaralan sa araw ng kanilang pagtatapos sa elementarya.

Hindi naging hadlang ang layo ng kaniyang nilalakad sa araw-araw at ang kaniyang iisang paa upang panghinaan siya ng loob. Bagkus ito ang kaniyang naging sandata upang maipakita sa lahat na kaya niyang abutin ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral kahit iisa lang ang kaniyang paa.

Source: Junar T. Mahilum

Kaya naman ibinahagi ng kanilang punong-guro na si Junar T. Mahilum sa social media ang kwento ni Jean, dahil labis ang kaniyang paghanga at bilib na bilib siya dito na nagawa nitong matapos ang kaniyang anim na taon sa elementarya sa kabila ng kaniyang kondisyon. Dahil sa kaniyang post, maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang paghanga sa determinasyon at pagsisikap ni Jean na maiahon ang kaniyang buhay pag-aaral.

At mas higit na nagpaantig sa mga netizens ay ang tanging hiling ni Jean na magkaroon ng artificial na paa. Upang ito ang kaniyang gagamitin para siya ay makalakad ng maayos habang ipinagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral. Gusto pa umano ni Jean na maging isang doktor para makatulong siya sa mga taong kagaya niya na may kapansanan.

Source: Junar T. Mahilum

Isang inspirasyon si Jean sa mga tao, dahil sa kabila ng kaniyang kakulangan hindi siya sumuko sa laban ng buhay at inilaban niya ang kaniyang pangarap. Kahit hirap man siya sa paglalakad hindi ito alintana para sa kaniya dahil para kay Jean hangga’t may buhay ay mag pag-asang darating.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Pinay, Fanatic ng BTS, Gumastos Ng Milyong Halaga Para Lang Magkaroon Ng Mga BTS Merchandise

Trending Ngayon Sa Social Media Ang ‘Babysitter’ Ng Napaka-cute Na si Scarlet Snow, Dahil Isa Pala Itong Sikat Na Modelo sa New York!