in

CryCry

Isang Pinay, Fanatic ng BTS, Gumastos Ng Milyong Halaga Para Lang Magkaroon Ng Mga BTS Merchandise

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagkakaroon ng isang iniidolo ay simbolo lamang ng paghanga sa kanilang mga personalidad. Kung kaya’t ang iba ay ginagawa ang lahat magkaroon lamang ng mga bagay na laging magpapaalala sa kanilang mga idolo.

Kaya isa na rito si Etang Reyes ang pinay fanatic ng Bulletproof Boy Scouts o mas kilala sa tawag na BTS. Talaga nga namang hindi nagpahuli si Etang kaniyang pagiging ultimate fan ng BTS. Nagsimula noong 2018 nang maging super fan siya ng grupo na BTS sa album ng mga ito na “Love Yourself”.

Source: Etang Reyes

Ayon kay Etang, “Ang pagiging ARMY ni Etang Reyes ay nagsimula noong 2018. Dahil sa Album nilang Love Yourself naging fan nila ako. Dahil sa Bulletproof Boy Scouts o BTS natuto kong mahalin ang sarili ko kung ano ako at hindi iyong tingin ng ibang tao sa akin.”

At nakakagulat na nakagastos si Etang ng mahigit PHP2.2M sa mga concerts at events na kaniyang laging dinadaluhan masilayan lamang ang kaniyang mga idolo. Nagsimulang kilalanin ni Etang ang BTS sa kanilang musika, artistry, characters at personalities. Hindi nga niya inakala na magiging fanatic siya at the age of 40.

Source: Etang Reyes

“To be honest,I never would have expected to still be a fan girl at the age of 40. I am so glad to have seen many woman of my age (and even older) who share the same admiration for the septet,” ika niya.

Kaya naman upang maipakita ang kaniyang pagiging fan nilagyan niya ng disenyong decals ng BTS ang kaniyang kotse na dapat raw ay kasinglaki lang ng palad ngunit dahil supportive ang kaniyang asawa ay inilagay ito sa buong hood ng kotse. Sa tuwing nagmamaneho siya ipinagmamalaki niya ang grupong BTS na nagiging inspirasyon ng marami.

Source: Etang Reyes

Kahit ang biniling dinnerware ni Etang ay BTS din na nagkakahalagang PHP 85,000. Ayon pa sa kanya isa sa pinakamahirap matupad na pangarap ay ang makasamang kumain ang BTS, kaya para naman daw makasama niyang kumakain kahit paano ang kaniyang mga idolo ay binili niya ang dinnerware ng BTS na mula pa sa isang autorisadong nagbebenta sa korea.

Source: Etang Reyes

Dagdag pa ni Etang,
“Nararamdaman ko ang pagmamahal ng BTS kahit hindi nila ako kakilala personally. Nararamdaman ko ang totoong pagmamahal nila sa aming mga fans. Mayroong sinseridad na nabuong relasyon sa aming mga fans at sa kanila.”

“Kaming mga ARMY ay hindi lang basta mga fans o socmed lang marami din kaming offline charity events na sumasalamin sa BTS.”

Source: Etang Reyes

At sabi pa niya, “these seven amazing and adorable men speak to my heart and mind. I’ve never seen such genuinely kind, warm, and loving personalities like them.” Ipinagmamalak i ni Etang ang kaniyang pagiging isang ARMY na sumasalalim sa BTS.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tunghayan Ang May Pinakamalinis Na Palengke sa Pilipinas, Pati Ang Mga Palikuran Nito Ay Hindi Magpapahuli Sa Kalinisan

Isang Batang Babae Ang Naglalakad Noon Ng 4 Kilometro Makapagtapos Lamang Kahit Iisa Lang Ang Kanyang Paa