in

CuteCute LoveLove

Kilalanin Ang Anak ni Aiko Melendrez na si Marthena Jickain Na Namana Ang Kanyang Artistahing Mukha

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tila namana ng bunsong anak ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain ang kaniyang kagandahan, kilala si Aiko bilang isa sa mga naggagandahang aktres sa industriya ng showbiz. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang karera niya sa showbiz, marami pa rin ang kaniyang mga teleserye.

Source : Aiko Melendrez IG

Ang isang anak ni Aiko na lalaki na anak niya kay Jomari Yllana ay pinag uusapan narin ngayon dahil sa angking kagwapuhan nito at ganap na itong binata ngayon.

At lumipas ang ilang taon nang maghiwalay si Aiko at Jomari Yllana ay muling umibig si Aiko sa naging asawa niyang si Martin Jickain at si Marthena ang naging bunga ng kanilang pag-iibigan, ngunit lumipas ang apat na taon ay nag hiwalay rin sila.

Source: Google

Ngayon ay isa ng napakagandang dalaga si Marthena, lumaki siya sa poder ng kaniyang ina kaya mapapansin na kasama siya lagi ni Aiko sa mga litrato na kaniyang ipinopost online. Mapapansin na parang pinagbiyak na bunga ang mag-ina dahil kuhang-kuha ni Marthena ang magandang mukha ng kaniyang ina lalo na nung kabataan pa ni Aiko.

Source: Google

Ayon sa mga komento at opinion ng mga netizen Malaki ang pag-asa ni Marthena na maging isang sikat na artista o maging isang beauty queen sa mga susunod na taon, isa pang nakakahanga sa kanya ay isa siyang volleyball player sa kaniyang paaralan at magaling rin ito sa klase.

Source : Google

Hindi maipagkakailang marami ang humahanga kay Marthena dahil bukod sa napakaganda nito ay nakakamangha rin ang kaniyang mga katangian, kaya naman sobrang proud si Aiko sa kaniyang dalawang anak dahil sila ang kayamanan nito.

Talaga namang kita sa dalawa na napalaki sila ng kanilang ina ng maayos kahit na solo parent ito. Marami ang naka abang kong papasokin ba ng mga anak ni Aiko ang showbiz.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jackie Lou Blanco, Todo Suporta Sa Anak na si Arabella Davao sa pagpasok sa showbiz

Isang Batang Inabandona noon, Nakapagtapos bilang Suma Cum Laude at matagumpay na naging Scientist sa Amerika Ngayon