in

LoveLove CuteCute OMGOMG CryCry

Isang Batang Inabandona noon, Nakapagtapos bilang Suma Cum Laude at matagumpay na naging Scientist sa Amerika Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Napakahirap para sa isang bata ang lumaki na walang mga magulang na umaagapay. Ito ang nagiging dahilan kung bakit may mga kabataan na naliligaw ng landas. Kung kaya’t dahil din dito nararanasan nila ang buhayin ang kanilang mga sarili. Napakasakit ang ganoong pangyayari para sa isang bata, na sa murang edad nagiging responsibilidad na niya ang kaniyang sarili.

Source: Fernando Kuehnel

Narito ang isang kwento na talaga namang magmumulat sa atin ng reyalidad ng buhay. Ito ay kwento ng isang batang iniwan ng kaniyang mga magulang noon ngunit ng dahil sa kaniyang pagsisikap siya ay naging isang Scientist sa ibang bansa. Ang lalaking ito ay kinilalang si Fernando Kuehnel.

Source: Fernando Kuehnel

Ayon sa kaniya, siya ay 6 na taong gulang pa lamang nang iniwan sila ng kanilang mga magulang. Siya at ang kaniyang kapatid ay iniwan sa isang bahay ampunan. Halos 4 na taong nanirahan si Fernando kasama ang kaniyang kapatid sa bahay ampunan, ngunit tumakas di-umano ito ng siya ay makatungtong sa edad na 10 taong gulang pa lamang. Sa kaniyang pagtakas siya namuhay sa lansangan.

Source: Fernando Kuehnel

Naranasan raw niyang sa basurahan kumuha ng kaniyang makakain sa araw-araw at sa kariton naman siya natutulog. Nang siya ay naging 13 taong gulang, napagdesisyunan niyang bumalik sa bahay ampunan at sa kaniyang pagbabalik saka niya nalaman na may nakaampon ng Amerikano sa kaniyang kapatid at dadalhin ang mga ito sa Amerika.

Ang naging buhay ng kaniyang kapatid sa mga umampon sa kaniya ay hindi naging maganda kung kaya’t ito ay naibalik sa bahay ampunan. Ilang araw lamang ang nagdaan, isang magandang balita naman ang nagpabago sa buhay ng magkapatid dahil may umampon sa kanila at isinama sila sa Amerika. Sila ang pamilyang Kuehnel, si Fernando at ang kaniyang kapatid ay binigyan sila ng magandang kinabukasan at itinuring na silang tunay na mga anak.

Source: Fernando Kuehnel

Nang makatuntong si Fernando ng kolehiyo ay pinag-aral siya ng kaniyang mga naging poster parents sa kursong Nursing at ang kaniyang kapatid naman ay kumuha ng kursong Business Administration. Nakapagtapos ang magkapatid na pareho na naging Summa Cum Laude. Pagkalipas ng ilan pang mga taon at naging isang Clinical Scientist si Fernando sa Novartis at founder din siya ng Kabataang Charity o ang ‘K-Charity’ kung saan ang layunin nito ay ang tumulong sa ibang batang ulila at palaboy sa lansangan. Sa kasalukuyan ay may sarili na ring pamilya si Fernando na nakatira ngayon sa Dania Beach, Florida.

Source: Fernando Kuehnel

Ang batang dating naging palaboy ay naging matagumpay ng Scientist ngayon. Nakaranas man ng hirap sa buhay hindi ito naging hadlang upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap. Lubos na nagpapasalamat si Fernando sa mag-asawang Amerikano na kumupkop sa kanilang magkapatid.
Ayon pa kay Fernando, “You have to determine what success is to you. It doesn’t have to be millions of dollars. I tell my kids, there’s no problems that can’t be solved. You just won’t like the solution, but the problem can be solved. The takeaway is, you do have to work hard.”

Source: Fernando Kuehnel

Ito ay isang patunay lamang na anumang pagsubok ang dumaan sa buhay nararapat lang na huwag sumuko dahil may mga biyayang dumarating sa buhay na hindi natin inaasahan na magpapabago ng ating kapalaran. Matuto lang tayong magtiwala at laging manalig sa Poong Maykapal na ating mga pagsusumikap at pagpupursige sa buhay ay magkakaroon ng isang matamis na tagumpay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Anak ni Aiko Melendrez na si Marthena Jickain Na Namana Ang Kanyang Artistahing Mukha

Tunghayan Ang May Pinakamalinis Na Palengke sa Pilipinas, Pati Ang Mga Palikuran Nito Ay Hindi Magpapahuli Sa Kalinisan