in

CuteCute LoveLove

Tumataginting Na P52 Million Pesos Ang Nagastos Ni Joel Cruz Sa Surrogacy Ng Kanyang Walong Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang batid na saya ang ibinibigay ng isang anak sa isang magulang, kaya naman para sa mga taong kayang maafford ang surrogacy ay ito’y isang magandang paraan upang magkaroon ng anak. Sa katunayan, ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kababayan natin nating gusto maging magulang. Tulad na lamang ng tinanghal na ‘Lord of Scents’ na si Joel Cruz na inaming inabot siya ng P52M sa pagpapasurrogate upang magkaanak.

Source: Joel Cruz IG

Isinagawa ang surrogacy para sa kanyang walong anak sa Russia kung saan ay legal ang ganitong paraan ng family planning. Sa katunayan, ay nagpayo rin umano si Ogie Diaz sa unkabogable star na si Vice Ganda na gawin ang naturang paraan upang magkaroon ng anak na magmamana ng lahat ng naipundar nito. Napabalita rin noon na humiling ang ina ni Vice Ganda sa kanya ng apo.

Sa YouTube video na inupload ni Ogie Diaz tungkol sa panayam nito kay Joel Cruz ay tunay na nabulaga ang mundo sa nalamang halaga ng pagpapasurrogate ni Joel Cruz sa Russia. Walong anak ang pinabuo ni Joel Cruz mula sa kanyang semilya at naisakatuparan rin ang pinaplano at pinapangarap nito. Pagbabahagi ni Joel, “Naisip ko talagang mag-anak pero hindi ko kayang may babae na sinasabi mo sa akin dati, di ba? Mga binubulong mo sa akin, natatandaan ko lahat ‘yun, bakla.”

Source: Joel Cruz IG

Nagsuggest naman si Ogie Diaz na kung hindi kaya ni Joel bumuo ng anak sa pamamagitan ng natural means o pakikipagsiping sa babae, ay maaari naman itong mag-ampon. Saad naman ni Joel, ““Alam mo, ayaw ko talaga ng adoption. Gusto ko sarili kong anak kaya pinilit ko. Na-inspire ako na marami kang anak, ang pagkakaiba lang natin, ikaw kaya mo (sumiping sa babae), ako hindi ko kaya, kaya naghanap ako ng surrøgacy.”

Sinubukan rin naman umano ni Joel na dito sa Pilipinas gawin ang planong pagpapasurrogacy ngunit hindi umano naging matagumpay ito, “Unfortunately for three trials with Filipina mothers, lahat ‘yun unsuccessful, hindi kumapit sa kanila for two weeks or 15 days. Kaya 10 years ago nag-decide na ako na huwag nang gawin sa Philippines kasi parang ayaw dito saka bawal dito. Ginawa ko na outside of the Philippines kung saan puwede ang single father which is legal sa Russia.”

Source: Joel Cruz IG

Nagkaroon naman ng magandang samahan si Joel sa mga surrogate mothers ng kanyang mga anak. ““Maganda ang relationship namin ni Lilia (pangalan ng ina ng mga anak niya), I’m very thankful kasi sa kanya lahat ang egg célls tapos siya rin ang nag-alaga so nakita ko kung paano mag-alaga. So everytime na manganganak (ang ibang babae para sa ibang anak niya) siya ang nire-request kong mag-alaga pinapasundo ko talaga at iiwan niya ‘yung asawa niya at husband niya.”

Ibinahagi rin ni Joel ang nagastos nito sa surrogacy. “Well sa first set ko (babae at lalaki) lahat ng gastos ko, hotel accommodation ko, fare ko, tests ko umabot ako ng 12 million pesos, pati ‘yung (bayad) kay Lilia. Saka inaabutan ko rin si Lilia ng personal money niya bukod do’n sa bayad sa kanya ng firm.

Source: Joel Cruz IG

Sa second set ko alam ko (parehong lalaki), 11 million. Mas bumaba kasi mas marami akong biyahe sa first kasi maraming problema (inayos) like mag-e-expire na ang visa namin. Yung third set (babae at lalaki) 11 million ulit. Yung pang seventh at eight (anak), solo sila pero five months lang ang pagitan kaya dalawang surrøgate mother ang nagbuntis. At tig-nine million each ang gastos ko sa kanila.”

“They know somehow kasi eight years old na rin pero hindi pa ganu’n kadetalyado nila nalalaman.
They just know na married ang mommy nila na may asawa na parang kinausap ko ‘yung mommy nila na tulungan akong magkaroon ng baby at pumayag naman ‘yung mommy niya kasi nga wala akong (asawa).”

Source: Joel Cruz IG

Aminado naman si Joel na masayang-masaya siya sa kanyang mga anak. “Masayang-masaya ako. Grupo kaming pamilya na para akong Buddha na mayroong walong anak na nakasampay diyan (muwestra). Alam naman nila ‘yung give and take na dalawa muna ganun.

Alam din nila ‘yung pakiramdam ko na ‘daddy is so tired already’ sila nagsasabi kaya naggi-give way sila. In fairness naman lahat nae-embrace ko, lahat nabibigyan ko ng pagmamahal at ramdam nila ‘yun na mahal na mahal ko sila.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ang Babaeng Ito Na Tapat Na Nagmamahal At Hindi Tumitingin Sa Pisikal Na Kaanyuan Bagkus Puso Ang Kaniyang Pinairal

Kasambahay ng Team Kramer na si Yaya Joy, Abot Langit Ang Tuwa Nang Pagawaan Siya Ng Kanyang Dream Home Ng Kanyang Mga Amo