in ,

LoveLove LOLLOL

Kasambahay ng Team Kramer na si Yaya Joy, Abot Langit Ang Tuwa Nang Pagawaan Siya Ng Kanyang Dream Home Ng Kanyang Mga Amo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Binubuo ng isang cute at adorable na family ang Team Kramer. Sina Doug, Cheska at ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin ay muling hinangaan ng mga netizens sa ginawa nilang gesture sa kanilang treasured Yayas.

Source: Cheska Garcia IG

Kilalang manlalaro sa larangan ng basketball ang padre de pamilya na si Doug Kramer at tinaguriang ‘teen doll’ sa showbiz industry naman ang ina ng tahanan na si Cheska Kramer. Biniyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak kung saan kitang-kita na namana nito ang good looks ng kanilang mga magulang.

Source: YouTube
Source: YouTube

Muling ipinakita ng Team Kramer ang malaking pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang mga kasambahay. Isa sa kanilang mga masisipag na kasambahay ay si Yaya Joy at sa pagkakataong ito ay tinupad ng team Kramer ang pangarap nitong Dream Home.

Source: YouTube
Source: YouTube

Sa katunayan ay kakatapos lamang ng kanilang pagpapagawa sa bahay nila sa Laguna. Ngayon ay isa na namang bahay ang ipinagawa ng pamilya ngunit sa pagkakataon na ito ay para naman sa kanilang Yaya Joy.

Source: YouTube

Sa kanilang YouTube channel ay ipinakita ng pamilya ang pinagawa nilang bahay para kay Yaya Joy. Binilhan rin nila ito ng automatic washing machine upang mas mapadali ang paglalaba nito ng damit. Ayon sa pamilya ay deserve ito ni Yaya Joy dahil mabuting tao ito lalo na sa kanilang pamilya. Ibinuhos ni Yaya Joy ang kanyang pagmamahal upang mapangalagaan ang Team Kramer. Kaya naman ay bilang pagpapakita ng kanilang appreciation at pagmamahal kay Yaya Joy ay pinatayuan nila ito ng sariling bahay sa probinsya.

Source: YouTube

Pagbabahagi ng team Kramer, simula umpisa pa lamang umano ay nag-iipon na si Yaya Joy ng pampagawa ng kanilang bahay upang mabigyan ng mas matubay at seguridad ang kanyang anak at ina na nasa probinsya. Sa video ay makikita ang lubos na pagpapasalamat at abot langit na tuwa ni Yaya Joy sa kabutihang pinamalas ng team Kramer.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tumataginting Na P52 Million Pesos Ang Nagastos Ni Joel Cruz Sa Surrogacy Ng Kanyang Walong Anak

Jackie Lou Blanco, Todo Suporta Sa Anak na si Arabella Davao sa pagpasok sa showbiz