in

Isang Delivery Boy Noon, Nakapagpundar Ng Sariling Bahay at Sasakyan Dahil Sa Kanyang Pagdodoble Kayod

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay ngang nakaka-inspire kung ang ating mga naririnig na kwento ay tungkol sa pagsusumikap at tagumpay. Tulad na lang ng kwentong ibinahagi ng isang netizen sa Facebook group na Home Buddies, ang talagang kinabiliban ng kaniyang kapuwa mga netizens.

Siya ay nakilalang si Jay Hernandez, ibinahagi niya ang kaniyang kwentong tagumpay upang maging inspirasyon ang kaniyang naging karanasan sa lahat ng taong nagsusumikap sa buhay. Sabi nga nila, libre lang naman ang mangarap basta laging kalalakipan ito ng sipag at tiyaga.

Ayon kay Jay, madami muna siyang pinasok na trabaho bago siya naging matagumpay. Nagsimula siya sa pagiging isang service crew at delivery rider ng Classic Savory restaurant hanggang sa nakapasok siya bilang isang crew sa isang International Cruise Ship. Masayang inalala ni Jay ang kaniyang mga pagtitiis hanggang sa maabot niya ang kanyang mga minimithing mga pangarap.

Source: Jay Hernandez

Pagku-kwento pa ni Jay, noon daw ay tinatanaw niya lang ang mga nag-gagandahang bahay sa Camella Homes. Kaya simula nun ay pinangako niya sa kaniyang sarili na balang araw ay dito niya gustong magkaroon ng kaniyang sariling dream house. Bukod sa magaganda ang bahay dito at ligtas pa ang lokasyon ng subdivision at talaga namang nakakamangha sa ganda ng tanawin kung saan kitang-kita ang kabundukan ng Mt. Makiling at ang malawak na kapaligiran nito.

Source: Jay Hernandez

Dahil sa pangarap na ito ni Jay, nagdoble sipag siya at nagtiyagang mag-apply sa isang cruiseship hanggang siya natanggap dito. At sa kaniyang pagtatatrabaho sa barko ay unti-unti na siyang nakapagpundar ng kaniyang sariling bahay kasama ang kaniyang pamilya. Hindi lang sariling bahay ang kaniyang natupad dahil nakabili rin siya ng kaniyang sariling sasakyan

“Yung dating pangarap ko na lugar ay ang magiging tahanan ko na kasama ang aking pamilya,” saad pa ni Jay.

Source: Jay Hernandez

Maraming netizens ang bumilib sa naging tagumpay ni Jay sa buhay kaya naman labis silang humanga sa mga pinagdaanan ni Jay. Maging ang mga dating mga naka trabaho ni Jay ang siyang nagpapatunay sa determinasyon, sipag, tiyaga at pagsusumikap niya na maabot ang kaniyang mga pangarap lalo na higit para sa kaniyang pamilya.

Narito naman ang kabuuang post ni Jay:
“Share ko lang po. Walang masamang mangarap. Naalala ko dati nung delivery boy ako sa Classic Savory pag dumadaan ako sa may sto.tomas nakikita ko yung subdivision Camella sabi ko sa sarili ko lagi, grabe ang ganda ng location na ito sobrang ganda ng tanawin, ang ganda ng Mount Makiling. dahil sa sipag at tyaga mag apply sa cruiseship Ayun! Yung dating pangarap ko na lugar ay ang magiging tahanan ko na kasama ang aking pamilya.”

Source: Jay Hernandez

Walang impossible sa taong tunay na nagsusumikap para sa kaniyang makulay na mga pangarap. Isang inspirasyon ang kwentong ito sa bawat manggagawang Pilipino lalo na ang ating mga OFW na nagsisikap na magtrabaho sa ibang bansa. Kahit na malayo sa kanilang pamilya ay tinitiis nila mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak na naghihintay sa kanilang muling pagbabalik

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Aktor na si Derek Ramsay sinabi ito kay John Lloyd “He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the [father] of Elias.”

Ang Babaeng Ito Na Tapat Na Nagmamahal At Hindi Tumitingin Sa Pisikal Na Kaanyuan Bagkus Puso Ang Kaniyang Pinairal