Sa panahon ngayon, nauuso ang tumitingin sa pisikal na kaanyuan bilang isang batayan magustuhan ang isang tao. Kasi may mga tao talagang mahilig sa gwapo at maganda na madalas iyon ang kanilang nagiging sukatan upang piliin ang taong nagugustuhan. Ngunit sa para taong tunay na nagmamahal, hindi batayan ang hitsura upang pumili na taong makakasama sa habangbuhay.

Isang nakakabilib na kwento ng isang babaeng na mula pa sa bansang Thailand ang nagmahal sa isang lalaking may kaibahan ang hitsura. Siya ay nakilalang si Phatsara Obnak 23-taong gulang na nagmahal at nagpakasal sa isang lalaking may hindi magandang hitsura. Ang maswerteng lalaking ito ay si Boonme Khanthong 37-taong gulang. Pinatunayan nilang dalawa na hindi hadlang ang pisikal na kaibahan ng hitsura upang sila ay magkatuluyan.

Ayon sa Thai News, ginanap ang kasalan nila Phatsara at Boonme sa isang village sa northeastern sa probinsiya ng Surin, Thailand. Sa isang panayam, ibinahagi ni Boonme ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kaibahan sa kaniyang mukha. Ayon sa kaniya, bata pa lamang daw siya ng masira ang capillaries sa parte ng kaniyang mukha. Makailang beses na raw siyang dinala sa Siriraj Hospital sa Bangkok ngunit hindi raw nabigyang lunas ang kaniyang sakit. Dahil na rin sa kahirapan ng kanilang buhay kaya natigil rin ang pagpapagamot sa kaniya.

Grade 5 lang ang natapos ni Boonme kaya nahihirapan siyang maghanap ng trabaho dagdag pa ang hirap niya sa pagsasalita kaya hindi siya maitindihan ng mga tao.
Mabuti na lang ang tinulungan siya ng kaniyang kaibigan na si Virat Saothong na isang kontraktor upang siya magkaroon ng hanapbuhay. Maliban sa kaniyang trabaho tinutulungan rin niya ang kaniyang kapatid sa Southern Hat Yai City upang magbenta ng papaya. Dito niya nakilala ang kaniyang babaeng minamahal na si Phatsara Obnak. Minahal ni Phatsara si Boonme dahil sa sobrang maasikaso ito at mapagmahal sa kaniya at sa anak niya sa dati niyang asawa.

Ito ay patunay na hindi hitsura ang basehan upang makahanap tayo ng totoong taong magmamahal sa atin ng lubusan. Ang pisikal na kaanyuan ay kumukupas at nagbabago, ngunit ang wagas na pag-ibig kailanman ay hindi nawawaglit.
Comments
Loading…