in

CryCry LoveLove CuteCute WTFWTF AngryAngry

Si Tatay Na Kahit Bulag Ay Nakakapagbenta Pa Din Ng Walis Tambo Upang Makapagpatayo Uli Siya Ng Kanyang Bahay Na Nasira Ng Bagyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mahirap ang kalagayan ng mga taong may kapansanan, dahil sa kanilang kalagayan nahihirapan silang makahanapbuhay para sa kanilang pang araw-araw na mga pangangailangan. Ngunit, hindi makikita sa kanila ang kawalan ng pag-asa sapagkat para sa kanila habang may buhay may pag-asa.

Source: Virgelyncares YouTube

Isa na rito ang kalagayan ng isang lalaking bulag na sa kabila ng kaniyang madilim na mundo ay nagagawa pa nitong maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda nito ng mga walis tambo. Ang lalaking ito ay nakilala sa isang Youbube vlog ng vlogger na si Virgelyncares, siya ay si Tatay Jimmy. Sa araw-araw na paglalako ni Tatay Jimmy ng walis tambo, hindi umano ito natatakot na maglakad mag-isa sa kalsada habang siya ay naglalako. Sa layo ng kaniyang nilalakad araw-araw hindi na alintana sa kaniya ang kaniyang nilalakaran dahil lagi niyang gabay ang kaniyang tungkod.

Source: Virgelyncares YouTube

Dahil sa kaniyang kalagayan napaantig ang puso ng vlogger na si Virgelyncares nang makita nito sa social media ang larawan ni Tatay Jimmy na pagod na pagod na sa kaniyang pagtitinda kahit tirik na tirik ang araw. Hinandugan ng tulong ng vlogger si Tatay Jimmy, upang maipagpatayo niyang muli ang kaniyang nasirang bahay. Sa pag-iinteview sa kaniya ng vlogger nabanggit ni Tatay Jimmy na kaya siya nag-iipon ng pera mula sa kaniyang kinikita sa pagtitinda ng mga walis tambo ay upang makapagpatayo siyang muli ng maliit nga tahanan.

Source: Virgelyncares YouTube

Kaya naman dahil kinaantigan ng vlogger ang kaniyang kalagayan binigyan siya nito ng pinansiyal na tulong maitayo niyang muli ang kaniyang tahanan na nasira ng nagdaang mga bagyo. Hindi lang iyon ang natanggap ni Tatay Jimmy pati na rin pangkabuhayan ay binigyan siya nito, upang hindi na siya maglako pa ng mga walis tambo sa daan na lubhang delikado para sa kaniya.

Source: Virgelyncares YouTube

Tunay ngang kahit anong hirap ang dinaranas ng isang tao, hindi pa rin nawawala ang pag-asang may magandang bukas ang laging naghihintay sa bawat araw na magdaan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

John Lloyd Cruz, Ipinakita Sa Madla ang Napakaeleganteng French-Mediterranean Nitong Bahay

Isang Babaeng Customer Ng Jollibee, Nag-iwan Ng Madamdaming Sulat Sa Isang Tissue Na Siyang Ikinaiyak Ng Crew Na Nakabasa Nito