in ,

LoveLove OMGOMG

Aktor na si Derek Ramsay sinabi ito kay John Lloyd “He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the [father] of Elias.”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pinalagan ng aktor na si Derek Ramsay ang pagkukumpara umano sa kanila ng aktor na si John Lloyd Cruz kaugnay sa anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias. Si Derek ngayon ang fiancé ng aktres na si Ellen Adarna.

Kamakailan lamang noong June 27, nagdiwang si Elias ng kaniyang ika-3 taong kaarawan. Ibinahagi ni Ellen sa kaniyang Instagram, ang birthday celebration ng kaniyang anak.

Source: Ellen Adarna IG

Makikita sa ibinahaging larawan ni Ellen na magkasama sila ni Derek na ipinagdiwang ang birthday party ni Elias kung saan Spiderman ang birthday motif nito. Sa magkahiwalay nilang post ni John Lloyd, mapapansin na pareho ang kanilang naging birthday theme sa kaarawan ng kanilang anak.

Sa post naman ni Derek sa kaniyang Instagram, nag-post siya ng kaniyang birthday greeting para kay Elias na may caption na, “Happy birthday babiguling!! Love ya buddy!!” Unang ibinahagi ng aktor ang larawan nila ni Elias na sila ay nasa pool at nakasakay sa isang salbabida.

Kaya ang mga netizens ay hindi naiwasan na ikumpara si Derek kay John Lloyd. Mayroon din namang iilan na humanga sa pagiging mabuting “stepdad” ni Derek kay Elias.

At may nagsabing ding dapat pa raw magpasalamat si John Lloyd kay Derek. Ngunit hindi ito nagustuhan ni Derek. Kaya nilinaw niyang isang mabuting ama si John Lloyd kay Elias. “Bro that’s not nice. Jl is a good father to Elias,” sabi ni Derek sa naturang komento.

May isa namang netizen ang sinagot ang komento ni Derek, dapat daw ay hindi siya maging considerate sa nararamdaman ni John Lloyd. Ang isa namang netizen ang nagsabi ng, “na sau na nga c ellen pati ba nmn c elias”

Maayos din naman silang sinagot Derek ang pangbabatikos sa kanila ni John Lloyd at kaniyang sinabing wala silang anumang isyu ni John Lloyd.
Narito ang pahayag ng aktor:

“Sorry but that’s such an awful thing to say. Jl and and I have no issues. He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the [father] of Elias.” “Ellen is my fiancé and I love both of them very much”

Dagdag pa ni Derek, ni minsan raw hindi niya naisip na palitan si John Lloyd bilang ama ni Elias. Sapat na sa kaniyang nakikitang masaya si Ellen at si Elias sa piling niya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Babaeng Customer Ng Jollibee, Nag-iwan Ng Madamdaming Sulat Sa Isang Tissue Na Siyang Ikinaiyak Ng Crew Na Nakabasa Nito

Isang Delivery Boy Noon, Nakapagpundar Ng Sariling Bahay at Sasakyan Dahil Sa Kanyang Pagdodoble Kayod