in , ,

LoveLove OMGOMG CuteCute

Babaeng Tagalinis Ng Hotel Hindi Napigilang Umiyak Habang Naglilinis Ng Mga Kalat Sa Isang Hotel Room

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon wala ng madaling hanapbuhay. Lahat ng uri ng trabaho ngayon ay nakakapagod at mahirap ngunit hindi naman ito ang mahalaga dahil ang importante ito ay nasa marangal na paraan.
Kagaya na lamang ng mga nagtatrabaho sa mga hotel katulad ng mga tagalinis ng bawat kwarto. Ang ganitong uri ng hanapbuhay ay talagang nakakapagod dahil araw-araw naglilinis. Kaya naman maswerte a ang isang staff ng hotel kung makatagpo ng mga customer na malinis sa kanilang mga kwarto at marunong mag-appreciate ng trabaho ng mga staff.

Ito ay pinatunayan ng isang hotel cleaner na mula sa bansang Utah kung saan siya ay maswerteng nakatanggap ng napakalaking tip mula sa kaniyang naging room guest. Siya ang hotel staff na si Shelly, dahil sa kaniyang kasipagan ay humanga sa kaniya ang kanilang manager. Narito ang naging kwentong kasipagan ni Shelly ayon sa kaniyang manager.

Source: Google

Maaga pa lang ay pumasok na si Shelly sa kaniyang unang araw sa hotel. Pagpasok niya sa hotel agad siyang nagsimulang magtrabaho niligpit niya lahat ng mga kalat ng kanilang mga guest. Naglinis si Shelly sa pamamagitan ng pagwawalis at pagmo-mop ng sahig. Nagpalit siya ng mga bagong punda at bed sheets, araw-araw maraming mga kwarto ang nalilinis si Shelly kaya bago siya umuuwi sinisigurado niyang natapos niya ang kaniyang mga gawain. Ni minsan hindi siya nahuhuli sa pagpasok sa kaniyang trabaho. Ipinagpatuloy lang ni Shelly ang kaniyang magandang performance kahit gustuhin man ng kanilang manager na bigyan siya ng extrang kita talagang medyo humina ang kita ng kanilang hotel.

Ngunit, dahil nais ng kaniyang manager na matulungan si Shelly gumawa siya ng paraan kung paano ito matutulungan. Kaya tinawagan niya ang dalawang taong alam niyang makakatulong kay Shelly. Ito ay sina Kyle at Josh sila ay mga filmmaker na ang layunin ay ang magbigay ng gantimpala sa mga masisipag na mga manggagawa. Ito ang binuo ng dalawang filmmaker na tinawag nilang “Gift back films”. Nang kanilang nalaman ang kalagayan ni Shelly, hindi sila nagdalawang isip ang dalawa na gawing bida si Shelly sa kanilang film dahil ayon na rin sa kwento ng hotel manager na kanila namang kaibigan.

Source: Google

Sa pakikipagtulungan na rin ng hotel manager, agad na set-up ang dalawa ng mga camera sa isang silid ng hotel at sa kabilang silid ay naroon ang monitor kung saan aktwal nilang nakikita ang taong papasok sa silid na iyon. Sinadya nilang guluhin ang mga gamit sa kwarto at sa ilalim ng kumot ay naglagay sila ng pera na nagkakahalaga ng $500. Nag-iwan din sila ng note kung saan nakalagay doon na iyon ay tip para kay Shelly. Maayos naman nilang inilatag iyon sa ilalim ng kumot at nang handa na ang lahat, tumawag na sila sa manager para simulan ang kanilang plano.

Source: Google

Nang pasukin ni Shelly ang silid wala naman siyang ibang nahalata dahil normal na sa kaniya na makakita ng ganoong kakalat na silid. Kaya noong mga oras na iyon, ay sinimulan na niya ang paglilinis. Sinimulan niyang ligpitin ang mga kalat, nag walis at nag-mop ng sahig. Nang makarating na siya sa bandang kama, labis ang excitement ang naramdaman ng mga nasa kabilang silid sa magiging reaksyon nito kapag nakita niya kung ano ang naghihintay na sorpresa sa kaniya.

Niligpit ni Shelly at pinagpag ang mga unan at pinalitan ito ng mga punda. Isinunod niyang tanggalin ang linen at nang iangat niya ang kumot, halos mapaluha siya sa sobrang saya matapos makita ang pera na nakalatag sa kama na para sa kaniya. Hindi siya makapaniwala dahil karaniwang maliit na tip lamang ang kaniyang natatanggap kaya labis siyang naiyak sa tuwan dahil sobrang laki ng $500 bilang tip dahil mas malaki pa di hamak ito sa kaniyang buwanang sweldo.

Source: Google

Dahil sa naging reaksyon ni Shelly natuwa naman sina Josh at Kyle dahil matagumpay ang kanilang plano. Noong mga oras na iyon ay pinasok na nila ang silid kung nasaan si Shelly. Nagpakilala ang dalawa at umiiyak naman na nagpasalamat si Shelly. Sa kanila gayunpaman, halos ayaw nitong tanggapin ang ganoong kalaking tip. Ngunit, nagsalita ang kaniyang manager at ipinaliwanag niya kay Shelly na bahagi siya sa planong iyon, dahil sa labis niyang kahangaan sa maayos na pagtatrabaho ni Shelly ay iyon din ang nakita niyang paraan upang mabigyan ito ng reward.

Isa itong pagpapatunay na ang sipag at pagtitiyaga ay may kapalit na gantimpalang mula sa ating kapuwa. Nawa’y ang kwentong ito ay maging inspirasyon sa lahat ng mga mangagawa sa buong bansa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Proud Na Ipinasilip ng Hunk Actor na si Enchong Dee Ang Kaniyang Malawak na Palaya Shrimp Farm sa Zambales!

John Lloyd Cruz, Ipinakita Sa Madla ang Napakaeleganteng French-Mediterranean Nitong Bahay